Maria Mapag-ampon_Dasalan


Maria Mapag-ampon_Dasalan

1 Pages 1-10

▲back to top

1.1 Page 1

▲back to top
MARIA MAPAG-AMPON
SA MGA KRISTIYANO
AKL AT DASAL AN / GABAY SA PAMIMINTUHO

1.2 Page 2

▲back to top
UNANG KABANATA
BATAYAN SA KASULATAN,
SULYAP SA KASAYSAYAN
Maliwanag ang turo ng Bibliya hinggil sa papel na ginampanan ng
Mahal na Birhen sa kasaysayan ng kaligtasan. Ang puno at dulo ng la-
hat ng ito ay may kinalaman sa salitang pagtulong, pakikipag-
tulungan, pagsunod sa kalooban ng Diyos, at sa pagbibigay suporta
sa balakin ng Diyos. Tingnan natin isa-isa ang mga bahagi ng Bibliya
na may kinalaman sa kanya.
Paghahabilin, Pagpapaubaya
Una sa lahat, ang salitang habilin ay mahalaga. Matay nating
isipin, masasabi nating inihabilin ng Diyos Ama sa Mahal na Birhen
ang kanyang bugtong na Anak, nang niloob Niyang Siya ay ipaglihi at
isilang ng isang babae - si Maria. Tinanggap ni Maria ang pananagu-
tang ito, iniluwal ang sanggol, inalagaan, inaruga, bilang isang tunay
na Ina (Lucas 2:1-14).
Pangalawa, bagama’t wala tayong tahasang patunay sa Bibliya,
mahihinuha nating tila iniatang rin sa balikat ni Maria ang pagbisita kay
Elizabet. Ayon kay Lucas, sinabi ni Arkanghel Gabriel na ang kanyang
pinsang si Elizabet ay nagdadalang-tao rin at naging patunay sa kato-
tohanan ng hula ng Anghel, na naging dahilan ng pananampalataya ni
Maria sa mga pangako ng anghel. Subali’t ayon sa ebanghelyo, nag-
madali siyang lumisan sa kanyang bayan at nagpunta sa bulubundukin
ng Judea, upang tumulong kay Elizabet na kagampan (Lucas
1:39-45).
1

1.3 Page 3

▲back to top
Pangatlo, sa paanan ng krus, natunghayan natin kung paano ipinau-
baya ni Jesus kay Juan ang kanyang Ina, at inihabilin rin naman ni Je-
sus si Juan sa kanyang Ina (Juan 19:26-27).
Pang-apat, malinaw na sinasaad sa Kasulatan na ang Ina ni Jesus
ay kasa-kasama ng mga Apostol matapos na si Jesus ay mapako sa
krus. Bagama’t wala ring tahasang patunay mula sa Biblia, ma-
hihinuha rin natin na nagkaroon ng isang malalim at matimyas na sa-
mahan ang mga apostol at ang Mahal na Birhen. Katunayan, nandoon
si Maria, kasama ng mga Apostol, nang bumaba ang Espiritu Santo
noong araw ng Pentekostes (Gawa 1:14).
Pang-lima, alam rin natin na ang Mahal na Birhen ay naging tunay
na mapagpaanyo at mapagkalingang Ina, nang tinulungan niya ang ba-
gong kasal sa Cana, nang kanyang ipinamagitan ang mag-asawa:
“Gawin ninyo anuman ang sabihin Niya” (Juan 2:1-11).
Nguni’t ito ang pinakamatindi. Sa paanan rin ng krus ay naganap
ang pinaka makabagbag-damdaming pangitain nang ibaba ang kata-
wan ni Jesus upang kandungin ng tumatangis na Ina na siyang naging
batayan upang ukitin ni Michelangelo ang tanyag na La Pieta, ayon sa
sinabi ni Juan, “Stabat mater” - naroroon ang Ina sa paanan ng krus
(Jn 19:25).
Ang huli ay ito ... Ayon kay Mateo, ang Banal na Pamilya ay naging
banyaga at nangibang-bayan sa Egipto nang sila ay tumakas sa poot
ni Herodes (Mateo 2:13-15).
Inang Mapagkalinga
Ang lahat ng ito ay patunay na ang Mahal na Birhen ay isang Inang
tunay na ang naging dakilang papel ay ang tumulong, ang magkaloob
ng saklolo, na galing sa salitang “socorro” “auxilium,” sa lahat ng may
pangangailangan.
2

1.4 Page 4

▲back to top
Kasaysayang Salesiano
Madaling makita na maraming paralelismo o katumbas ang karana-
san ni Maria sa karanasan rin ni San Juan Bosco mula sa pagkabata.
Ang salitang umaalingawngaw sa tainga natin ay ang paghahabilin rin.
Una sa lahat, maaalala natin na inihabilin rin ni Mama Margarita ang
kanyang batang-batang anak sa pamilya Moglia para lamang
makapag-aral. Wala pa siyang 9 na taong-gulang ay isa na siyang mi-
grante at nakipanuluyan sa bahay ng hindi niya kaanu-ano. Alam rin
natin na ayon sa unang panaginip ni Juanito Bosco noong siya ay 9 na
taon pa lamang, ay parang inihabilin ni Maria sa kanya at sa kanyang
mga tagasunod ang mga kabataang naliligaw ng landas. Noong siya
ay naging pari, higit na malinaw na inihabilin ni Maria ang lahat ng
batang higit na nangangailangan kay Don Bosco at sa mga Salesiano.
Bilang sukli, ipinaubaya naman at itinagubilin ni Don Bosco kay Maria
ang lahat ng kanyang balakin at adhikain para sa mga kabataan.
Kalakaran ng Lipunan sa Kasalukuyan
Milyon-milyon ang Pilipinong nangibang-bansa at patuloy na lumala-
bas ng bansa. Daan-daan libong mga pamilya ang nagkahiwalay dahil
sa migrasyon. Tulad ni Maria, Jose at Jesus, ang Banal na Pamilya,
maraming kababayan natin ang nagtitiis ng sari-saring pagsubok,
makatunghay lamang ng mas magandang kinabukasan at pamumu-
hay sa ibang bansa.
Ayon sa kasaysayang Salesyano, si Maria ay lumitaw na tagapanga-
laga, tagapag-ampon, saklolo, at tulong ng lahat ng nangulila, naiwa-
nan, nagkahiwalay. Lumilitaw na siya rin, sa panahong kasalukuyan,
ay isang Inang naghahabilin, nagpapaubaya, nangangalaga at nag-
kakalinga sa milyon-milyong Pilipino sa mahigit na 130 bansa sa daig-
dig. Sino sa atin ang walang kamag-anak na nasa ibang bansa? Ilan
sa atin ang makapagsasabing hindi kailanman ako nakaramdam ng
pangungulila dahil sa pagkakahiwalay na dulot ng migrasyon?
3

1.5 Page 5

▲back to top
Kung si Maria ay nakaranas na maging banyaga o migrante sa
Egipto, malinaw na damang-dama niya ang dinarama ng mga Pilipino
sa kabilang dako ng mundo at sa malalayong lugar. Damang-dama
niya ang sakit ng damdamin at pighati ng mga inang tumatangis sapag-
ka’t ang kanilang anak na panganay o bunso ay naglalayag sa dagat,
naging marinero at nakikipagsapalaran sa karagatan ng mapait na
paghahanap-buhay, bagama’t napakaraming mga posibleng
masamang mangyari dahil sa mga pirata at mapagsamantala sa ma-
raming bahagi ng mundo.
Lumilitaw nang maliwanag na ang pagiging Ina ni Maria, at higit sa
lahat ang kanyang pagiging saklolo sa lahat ng panganib ay humihi-
mok sa ating lahat na kilalanin siya bilang tagapag-ampon ng lahat ng
kabataan, ng lahat ng manggagawa, ng lahat ng pamilyang
nagkakahiwa-hiwalay dahil sa paghahanap-buhay at pangingibang-
bansa. Si Maria ay tunay na Mapag-ampon, mapag-kalinga sa lahat
ng malayo sa magulang, malayo sa mga anak, malayo sa pamilya at
sa mga mahal sa buhay, na parang mga basang sisiw na pasuling-
suling at naghahanap ng gabay sa lipunan at kalinangang hindi kinagis-
nan.
Dahil sa kalakarang ito at mapait na katatayuan ng maraming
pamilyang Pilipino, nagiging lalung makahulugan at puno ng dam-
damin ang panalanging PAGTATALAGA AT PAG-AALAY NG TAHA-
NAN SA MAHAL NA BIRHENG MAPAG-AMPON. Dahil rin dito, kiniki-
lala nating lahat ang mapitagan at makabagbag-damdaming PAGHA-
HABILIN AT PAGPAPAUBAYA NG PAMILYANG NAGKAHIWALAY
DAHIL SA PANGINGIBANG-BANSA.
Aming hiling bilang tagasunod ni San Juan Bosco, na tayong lahat
ay magising sa isang panibagong pag-ibig, isang panibagong pakiki-
pagniig sa Kanyang itinanghal ng Banal na Kasulatan at mayamang
tradisyon ng Santa Iglesya, bilang bukod na pinagpalang babae nang
higit sa lahat.
4

1.6 Page 6

▲back to top
PAGTATALAGA
AT PAG-AALAY NG
TAHANAN KAY
SANTA MARIA
MAPAG-AMPON
SA MGA
KRISTIYANO
O Kalinis-linisang Birheng Maria,
niloob ng Diyos na ikaw ay maging
Tagapag-ampon ng mga Kristiyano.
Ngayon ay itinatalaga at iniuukol
namin ang aming tahanan at
mag-anak sa iyong Kalinis-linisang Puso.
Pangalagaan mo, Inang kaibig-ibig,
ang aming abang pamamahay. Pabana-
lin mo ang aming pamilyang sa iyo’y
nagmamahal. Ilayo mo kami sa
anumang kapahamakan: ang bawa’t
nakapipinsalang sunog, baha,
kidlat at lindol, sampu ng mga
magnanakaw at masasamang-loob.
Pagpalain at patnubayan mo kami
sa lahat ng sandali. Pagindapatin
mo na ang lahat ng miyembro ng
aming mag-anak, narito man o wala,
ay maligtas sa lahat ng kasamaang-
palad. At higit sa lahat, ipag-adya mo
kami sa lahat ng tukso at kasalanan.
Ikaw sana ay maging Reyna ng aming
pamamahay, na magmula ngayon ay
iyong-iyo, magpasawalang-hanggan.
Amen.
5

1.7 Page 7

▲back to top
Nguni’t  ang  puno  at  dulo  at  rurok  ng  pagpapalang  ito  ay  wa-­‐
lang  iba  kundi  ang  Kanyang  Anak  na  si  Jesus.  Siya  ang  ating  
takbuhan.  Siya  ang  
ating  sandalan.  
Siya  ang  sukdulan  
at  tampukan  ng  at-­‐
ing  pag-­‐asa,  pag-­‐
asang  nagtataglay  
ng  isang  maka-­‐
Inang  katangian,  
dahil  na  rin  sa  Kan-­‐
yang  Ina,  si  Maria,  
nagpakilala  at  nag-­‐
pamalas  sa  daigdig  
ng  kanyang  pagig-­‐
ing  Ina  ng  laging  
saklolo,  at  Inang  
Mapag-­‐ampon  sa  
mga  Kristiyano.  
Santa  Maria  
Mapag-­‐ampon  sa  
mga  Kristiyano,  
ipanalangin  mo  kami!
6

1.8 Page 8

▲back to top
PAGHAHABILIN AT PAGPAPAUBAYA
NG PAMILYANG NAGKAHIWALAY DAHIL SA PANGINGIBANG-BANSA
  O  Maria,  Inang  Mapag-­‐ampon,  naganap  at  natupad  ang  balak  ng  Di-­‐
yos  sa  kaligtasan  ng  daigdig,  nang  tanggapin  mo  ang  balitang  hatid  ng  
anghel  na  si  Gabriel.  Nilisan  mo  ang  iyong  bayan  upang  tulungan  ang  iy-­‐
ong  kamag-­‐anak  na  si  Elizabet.  Kasama  ka  at  kaisa  ng  mga  alagad  nang  
bumaba  ang  Espiritu  Santo.  Hindi  ka  nag-­‐atubiling  tanggapin  si  Juan  bi-­‐
lang  iyong  anak,  at  hinayaan  mong  isama  ka  niya  sa  kanyang  tahanan,  bi-­‐
lang  kanyang  ina.  Higit  sa  lahat,  niyakap  mo  ang  duguan  at  walang  bu-­‐
hay  na  katawan  ng  iyong  Anak  na  si  Jesus  sa  paanan  ng  krus.  Sa  kabila  
ng  iyong  pagluluksa,  nakiisa  ka  sa  mga  alagad,  maging  sa  kanilang  mga  
pag-­‐aalinlangan  at  pangamba.
  Mariang  Mapag-­‐ampon,  saklolo  ng  lahat  ng  pamilyang  nagkahiwa-­‐
lay  dahil  sa  pangingibang-­‐bansa,  inihahabilin  namin  sa  iyo  ang  aming  ma-­‐
hal  na  pamilya.  Hinihiling  naming  samahan  mo  sila,  tulad  nang  sinama-­‐
han  mo  si  Jesus  at  si  Jose  sa  Egipto.  Inihahabilin  at  ipinauubaya  namin  sa  
iyo,  O  Mapagmahal  na  Ina,  ang  nawalay  naming  kamag-­‐anak,  na  dahil  sa  
paghahanap-­‐buhay  ay  malayo  sa  amin  ngayon.  Alang-­‐alang  sa  mapait  
mo  ring  karanasan  nang  samahan  mo  si  Jesus  at  si  Jose  sa  Egipto,  pana-­‐
tiliin  mong  nagkakaisa  ang  aming  pamilya,  sa  kabila  ng  pagkakalayo-­‐
layong  bunsod  ng  matinding  pangangailangan.  
  Basbasan  mo  kami,  pangalagaan  at  ipagtanggol  tuwina.  Angkinin  
mo  ang  lahat  naming  kapamilya,  narito  man  o  wala,  bilang  tunay  mong  
mga  anak.  Maligtas  nawa  kami  sa  lahat  ng  panganib,  lalo  na  sa  anumang  
makasasama  sa  kalusugan  ng  aming  kaluluwa.  Pagindapatin  mong  ma-­‐
muhay  kami  sa  biyaya  ng  Diyos  at  makiisa  nang  lubos  sa  pananampalata-­‐
yang  Katoliko.  Maging  matatag  nawa  kami  sa  harap  ng  mga  pagsubok  at  
matutong  magtiis  sa  gitna  ng  mga  kahirapan.  Madama  nawa  namin  ang  
iyong  yakap,  tulad  nang  pagyakap  mo  sa  iyong  Anak  na  si  Jesus,  nang  Si-­‐
ya’y  ibaba  mula  sa  krus.
  Maria,  Kalinis-­‐linisang  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kristiyano,  samahan  
nawa  kami  at  sabayan  habang  naglalakbay  patungo  sa  walang  hanggang  
gantimpala  sa  langit,  na  tunay  naming  bayan.  Amen.

1.9 Page 9

▲back to top
SULYAP SA NAKARAAN
Maikling Kasaysayan ng Debosyon
Kay Maria Mapag-ampon
Patuloy na nararanasan ng mga
Kristiano ang bisa ng tulong ni
Maria sa lahat ng panahon at
pagkakataon. Dahil dito, patuloy
rin ang kanilang pagdulog kay
Maria, sa matibay na pananalig
na kanilang matatanggap ang
kaniyang pagkalinga at tulong
sa lahat ng kanilang pangangai-
langan at paghihirap, pangkala-
hatan man o pansarili. Subalit
ang makapangyarihang pamamagitang ito ay higit na naipamalas
nang may ganap na kaluwalhatian noong taong 1572, nang makamit
ng hukbo ng Krus, salamat sa tulong ni Maria, ang tahasan at ganap
na tagumpay sa digmaang-pandagat ng Lepanto laban sa hukbong da-
gat ng mga Turko. Bilang paggunita sa natatanging tagumpay na ito,
itinakda ni Papa San Pio V ang pagdiriwang ng Kapistahan ng
Kabanal-banalang Rosaryo at ang pagdaragdag sa Litaniya ng Mahal
na Birhen ng panalanging AUXILIUM CHRISTIANORUM, ORA PRO
NOBIS! MAPAG-AMPON SA MGA KRISTIYANO, IPANALANGIN MO
KAMI!
Di nagtagal, ang Mahal na Birhen ay muling sumaklolo sa hukbo ng
mga Kristiyano laban sa mga Turko na malapit na sa muog ng Vienna
noong 1682. Bilang pasasalamat, itinatag ni Papa Inocente XII ang
kauna-unahang Kapatiran ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano.
At noong Mayo 24, 1814, matagumpay na bumalik sa Roma si Pio VII
8

1.10 Page 10

▲back to top
pagkatapos ng kanyang matagal na pagkabihag at pagkatapon sa
ilalim ng kapangyarihan ni Napoleon. Bilang pasasalamat sa tulong na
kanyang natanggap kay Maria na patuloy niyang tinatawagan sa tagur-
ing AUXILIADORA, itinalaga niyang panghabang panahon na ang
araw na iyon ay ipatungkol sa Mahal na Birhen. Sa madaling salita ay
natatag ang kapistahan ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano.
Gayunpaman, maaaring nabaon na lamang sa limot ang maluwal-
hati at kalugud-lugod na debosyong ito kung hindi dahil sa isang tapat
na anak ni Maria na naghatid ng bagong paningin at pagpapalaganap
nito. Siya si San Juan Bosco (1815-1888 na siyang nagtatag, sa pa-
mamagitan ng inspirasyon, sa ilalim ng pamamatnubay, at kasama
ang tahasang pakikipagtulungan ng Mahal na Birhen, ng isang ga-
waing laganap sa buong daigdig para sa kapakanan ng kabataan -
ang apostolado ng Kongregasyon ng mga Salesyano. Itinayo ni San
Juan Bosco noong 1868 sa Torino ang matayog na Basilica ni Maria
Mapag-ampon, na naging bunga ng napakaraming himala. Marami pa
siyang ginawang himala sa tulong ng panalangin kay Maria. At bilang
pasasalamat sa kanyang tagapag-adya sa langit, itinatag din ni Don
Bosco ang Kongregasyon ng mga Anak ni Maria Auxiliadora para sa
kababaihang handang gawin para sa mga kabataang babae ang gina-
gawa ng mga Salesyano para sa mga kabataang lalaki.
Hanggang ngayon, ang ating Ina sa langit, si Maria Mapag-ampon
sa mga Kristiyano ay patuloy na tinatawagan at minamahal sa lahat ng
dako ng daigdig. Siya naman ay patuloy sa pagkalinga sa kanyang
mga anak na sa kanya’y namimintuho sa pamamagitan ng pagsasa-
gawa para sa kanila ng mga di mabilang at walang hanggang himala.
9

2 Pages 11-20

▲back to top

2.1 Page 11

▲back to top
PANALANGIN KAY SANTA MARIA MAPAG-AMPON
PATUNGKOL SA ISANG MAY KARAMDAMAN
O Inang Kaibig-ibig, saklolo ng mananampalataya at Birheng Mapag-ampon sa mga Kristiyano
/ Ina ng mga nahahapis, at takbuhan ng mga tumatangis,/ kalusugan ng mga may sakit at taga-
pagtaguyod ng mga nabibigatan sa suliraning pinapasan, /bunsod ng matinding pangangailan-
gan ay buong-pitagan at pag-asa kaming dumudulog sa Iyong mapaghimalang larawan./
Batid naming hindi kami karapat-dapat sa anuman, dahil sa aming mga kasalanan./ Nguni’t ba-
tid rin namin, na bilang Ina ng Mananakop, Panginoon at Hari ng Sangtinakpan, /Ikaw ay isang
makapangyarihang tagapamagitan at tagapaghatid ng aming mga kahilingan sa kanyang
paanan./ Alang-alang sa pitong hapis na yumurak sa iyong puso; / at bilang pakikiisa sa banal
na paghihirap at pagkamatay ng iyong Anak na si Jesus, / kami’y sumasamo para sa kapatid
naming may sakit, na nawa’y mabiyayaan sila ng tatag ng pananampalataya at tibay ng kaloo-
ban,/ upang mapaglabanan at matiis ang lahat ng pasakit at paghihirap na kaakibat ng kan-
yang karamdaman./
Ipinahahayag namin sa iyong harapan ang aming matibay na pananampalataya, pag-asa, at
pag-ibig sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo / na patuloy at walang patid na nagtataguyod
ng buhay, at nagkakaloob ng tanang biyaya na kailangan namin tungo sa buhay na walang
hanggan./ Batid naming si Jesus, bugtong na Anak ng Diyos, ay naging tao at nakipaglakbay
kasama namin, / maging sa daan ng paghihirap at mapait na pagkapako at pagkamatay sa
krus. / At higit sa lahat, alam naming Siya ay muling nabuhay / bilang tanda at patunay ng ga-
nap na pagwawagi ng Diyos laban sa lahat ng kasamaan, maging ng kamatayang dulot ng
ksalanan. /
Tumatangis kami ngayon, dahil sa aming kapatid na may karamdaman. / May mga sandaling
sinasagian kami, di lamang ng pangamba, kundi ng matinding pagkabalisa at pag-aagam-agam.
/ Di miminsang ang aming pananampalataya ay natutulad sa isang bangkang hinahagupit ng
hangin at malalakas na alon / sa gitna ng nagngangalit na dagat ng kawalang pag-asa./
O Ina! O saklolo ng mga naaapi at nangungulila! / O Reyna ng mga martir! / Mapagkalinga at
mapag-ampong Ina naming mga sumasampalataya, / dinggin mo ang aming masidhing pagsusu-
mamo. / Kung mamarapatin ng Diyos, sa tulong ng iyong mga panalangin, / maibsan nawa ang
aming kapatid ng pangamba, pag-aagam-agam at pasakit sa kanyang kaluluwa at katawan. /
Kung kalooban ng Poong Maykapal, sa tulong na rin ng iyong panalangin, / manumbalik nawa
ang dati niyang kalakasan at kalusugan. /
Ngunit batid naming hindi dapat ipilit ang aming kagustuhan,/ at sa halip ay dapat kaming
umasa at magtiwala, upang ang kalooban ng Diyos ang siyang maghari sa sanlibutan./ Pan-
gako namin sa iyong harapan, na kung sakaling ang maysakit ay mabiyayaan ng panibago at
ibayong kalusugan,/ ay gugugulin namin ang nalalabing panahon at kakayahan/ upang ipala-
ganap at ipakilala ang kaluwalhatian ng Diyos / at ang kagandahan at katamisan ng Kanyang
ngalan. O Maria, Inang Mapag-ampon,/ ipanalangin mo kami, ngayon at sa oras ng aming ka-
matayan. Amen
10

2.2 Page 12

▲back to top
PANALANGIN SA ARAW-ARAW
O Mariang Mapag-ampon, aking Ina at Ina ng awa,
masdan mo ang aking mga paghihirap at magdalang-
habag ka sa akin. Tulungan mo ako alang-alang sa pag-
ibig ni Jesus na iyong mahal na Anak.
Sa iyo ko inilalagak ang aking buong pag-asa; kupku-
pin mo ako at tulungan sa aking pagdadalamhati. Huwag
mong tulutang magkasala ako kay Jesus dahil sa aking
kakulangan sa pagpapaumanhin. Ikaw na siyang pag-asa
ng lahat ay maging pag-asa ko nawa.
O lipos ng kabutihan! O puspos ng kaluwalhatian. O
mahabagin kong Ina at aking pag-asa, masdan mo ako
na abang makasalanan. Kung hindi mo ako sasaklolohan
ay mapapahamak ako. Sa iyo ako dumudulog. Huwag mo
akong pabayaan kailanman. Ikaw ang nagligtas sa lahat
ng nagmakaawa sa iyo: iligtas mo rin ako.
Sa ilalim ng iyong awa ako sumisilong, ikaw na takbu-
han ng mga makasalanan.
O Mariang Mapag-ampon, ikaw ang aking Ina. Sino
ang kailanma’y humingi ng iyong tulong na hindi mo
dininig?
Ina ng Diyos at Ina ko rin, gaanong pag-asa ang tina-
tamo ko pagkatapos kong magparating ng hinaing sa iyo!
Ikaw ang aking lakas! Ipagtanggol mo ako at kuk=pk-
upin; magdalang-habag ka sa akin at iligtas mo ako.
11

2.3 Page 13

▲back to top
PANALANGIN NG ISANG MAY MALUBHANG KARAMDAMAN
O Inang kaibig-ibig, saklolo ng mga mananampalataya at Birheng Mapag-ampon sa mga Kris-
tiyano,/ Ina ng mga nahahapis, at takbuhan ng mga tumatangis, / kalusugan ng mga
maysakit at tagapagtaguyod ng mga nabibigatan sa suliraning pinapasan,/ dala ng matind-
ing pangangailangan ay buong-pitagan at pag-asang lumalapit ako sa iyong mapaghimalang
larawan./
Batid kong ako ay di karapat-dapat sa anuman, dahil sa aking mga kasalanan./ Nguni’t
batid ko ring bilang Ina ng Mananakop, na Siyang Panginoon at Hari ng sangtinakpan, / ikaw
ay isang makapangyarihang tagapamagitan at tagapaghatid ng aming mga kahilingan sa kan-
yang paanan. /Ako’y sumasamo, alang-alang sa pitong hapis na yumurak sa iyong puso,/
bilang pakikiisa sa banal na paghihirap at pagkamatay ng Iyong Anak na si Jesus,/ na ako na-
wa’y mabiyayaan ng tatag ng pananampalataya at tibay ng kalooban, /upang mapaglaba-
nan at matiis ang lahat ng pasakit at paghihirap na kaakibat ng aking malubhang karamda-
man./
Ipinahahayag ko ngayon sa iyong harapan, ang aking matibay na pananampalataya,
pag-asa, at pag-ibig sa Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo,/ na patuloy at walang patid na
nagtataguyod ng buhay, at nagkakaloob ng tanang biyayang kailangan namin tungo sa bu-
hay na walang hanggan./ Batid kong si Jesus, bugtong na Anak ng Diyos, ay naging tao at
nakipaglakbay kasama namin, /maging sa daan ng paghihirap at malupit na pagkapako at
pagkamatay sa krus./ At higit sa lahat, alam kong Siya ay muling nabuhay /bilang tanda at
patunay ng ganap na pagwawagi ng Diyos laban sa lahat ng kasamaan, sampu ng kamatay-
ang dulot ng kasalanan./
Tumatangis ako ngayon, bunsod ng aking malubhang karamdaman./ Mayroong sandal-
ing ako ay sinasagian, di lamang ng pangamba, kundi ng matinding pagkabalisa at pag-
aagam-agam./ Di miminsang ang aking pananampalataya ay natutulad sa isang bangkang
hinahagupit ng hangin at malalakas na alon/ sa gitna ng nagngangalit na dagat ng kawalang
pag-asa./
O Ina! O saklolo ng mga naaapi at nangungulila! /O Reyna ng mga martir! /Mapag-
kalinga at mapag-ampong Ina naming mga sumasampalataya, /dinggin ang aking masidhing
pagsusumamo. /Kung mamarapatin ng Diyos, sa tulong ng Iyong mga panalangin,/ maibsan
nawa ako ng pangamba, pag-aagam-agam at pasakit sa aking katawan at kaluluwa. /Kung
kalooban ng Poong Maykapal, sa tulong na rin ng iyong panalangin,/ manumbalik nawa ang
dati kong kalakasan at kalusugan./
Nguni’t batid kong hindi ko dapat ipilit ang aking kagustuhan,/ at sa halip ay dapat ak-
ong umasa at magtiwala, upang kalooban ng Diyos ang siyang maghari sa sanlibutan. / Pan-
gako ko sa iyong paanan, na kung sakaling ako ay mabibiyayaan ng panibago at ibayong kal-
usugan,/ ay gugugulin ko ang nalalabi kong panahon at kakayahan / upang ipalaganap at
ipakilala ang kaluwalhatian ng Diyos / at ang kagandahan at katamisan ng Kanyang Ngalan.
Maria, Mapag-ampon naming Ina,/ ipanalangin Mo ako ngayon , at sa oras ng aking kamata-
yan. Amen.
12

2.4 Page 14

▲back to top
IKAL AWANG KABANATA
Pagsisiyam sa Mahal
na Birhen
Ang mga sumusunod ay ilang mga pagsisiyam o pagnonobena sa
Mahal na Birheng Mapag-ampon na pansarili, palagian o pang
maramihan. Matutunghayan rin dito ang iba-ibang mga nata-
tanging mga panalangin ng kahilingan sa tulong ng ating Ma-
hal na Ina sa iba-ibang mga pangangailangan.
13

2.5 Page 15

▲back to top
NOBENARYO
Palagian at Maramihang
Pagsisiyam
1.  PAMBUNGAD  NA  AWIT  (maaring  basahin  o  laktawan  sa  pansariling  pagnono-­‐
bena.  Maaari  ring  palitan  ng  ibang  angkop  na  awi6n)
O  HELP  OF  CHRISTIANS
  O  Help  of  Chris.ans,  Virgin  the  fairest,
  Hope  of  our  exile,  Jesus  thou  bearest;
  Clear  star  of  evening,  shine  on  our  pathway.
  Guide  thou  our  footsteps,  lest  we  go  astray.
  Sinful  and  erring,  thy  children  on  thee  call,
  Virgin  most  powerful,  pray  for  us  all,
  Virgin  most  powerful,  pray  for  us  all.  (2x)
   
2.  PAGBATI
P:  Sa  ngalan  ng  Ama,  at  ng  Anak  at  ng  Espiritu  Santo.
B: A  men.
    (Ang  mga  nasa  pagitan  ng  dalawang  panaklaw  [  ..],  ang  pagba6  o  mga  
    bahagi  para  sa  pari  ay  maaaring  laktawan  sa  pansariling  pagnonobena).
P:     [Ang   pagpapala   at   kapayapaan   mula   sa   Diyos   na   Ama   na.n   at   sa   Pangi
    noon  Hesukristo  nawa’y  sumainyong  lahat.
B:     Kapuri-­‐puri  ang  Diyos  Ama  ng  a.ng  Panginoong  Hesukristo].
3.  PAGSISISI
P:         [Mga   mamimintuho   ni   Maria,   nagkaka.pon   tayo   ngayon   sa   ngalan   ng  
    Panginoon   at   sa   Harapan   ng   banal   na   larawan   ng   a.ng   Kamahal-­‐  
    mahalang   Ina   at   Tagapag-­‐ampon   ng   mga   Kris.yano.   Naparito   tayo  
     upang  kasama  niya’y  makinig  tayo  sa  Salita  ng  Diyos  at  sa  pamamagitan  
     niya’y  humingi  ng  a.ng  kailangan.    Upang  maging  karapat-­‐dapat  sa  pag
    diriwang   at   parangal   na   ito,   humingi   muna   tayo   sa   Diyos   ng   kapata  
     waran].  (maaaring  laktawan  sa  pansariling  pagnonobena)
14

2.6 Page 16

▲back to top
  B:  O  Diyos  at  Ama  namin,  kami  ay  nag00pon  ngayon  sa  mahal  Mong  hara-­‐
pan./   Ginugunita   namin   at   0natanggap   ang   aming   mga   pagkakasala   /  
ang   aming   kapalaluan   at   kakulangan   sa   pag-­‐ibig;   /   ang   aming   labis   na  
pagpapahalaga  sa  sarili,  /  at  pagkukulang  sa  ganap  na  pag00wala  at  pag-­‐
paparangal  sa  Iyo.  /  Masdan,  kami’y  lumalapit  na  taglay  ang  pagsisisi  at  
kababaang-­‐loob.   /   Patawarin   mo   kami,   mapagmahal   na   Ama.   /   Loobin  
Mong   kami’y   makatupad   sa   lahat   Mong   ipinag-­‐uutos   /   upang   balang  
araw  ay  makamit  namin  ang  Iyong  walang  katapusang  kaluwalha0an.
P:   Mahabaging  Ama,  magdalang-­‐awa  Ka  sa  Iyong  bayang  nagsusumamo  sa  Iyong  
harapan.   Patawarin   Mo   ang   aming   mga   kasalanan   at   patnubayan   kami   sa   bu-­‐
hay  na  walang  hanggan.
B:   Amen.
4.  PAMBUNGAD  NA  PANALANGIN
P:  [Manalangin  tayo.]
 
O   Panginoon   naming   Diyos,   hinirang   Mo   ang   banal   na   Birheng   Maria  
upang  maging  aming  saklolo  at  Inang  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kris0yano.  
Sa   pamamagitan   ng   kanyang   mga   panalangin,   patatagin   Mo   ang   Iyong  
Iglesya   upang   kanyang   mapaglabanan   at   mapagwagian   ang   lahat   ng   uri  
ng  kasamaan.    Nawa’y  malaya  niyang  maipahayag  ang  misteryo  ni  Kristo  
sa  sanlibutan.  Hinihiling  namin  ito  sa  ngalan  ni  Hesukristong  aming  Pang-­‐
inoon,  nabubuhay  at  naghaharing  kasama  Mo  at  ng  Espiritu  Santo,  mag-­‐
pasawalang  hanggan.  Amen.
5.  PAGPAPAHAYAG  NG  SALITA  NG  DIYOS
Ang   Tunay   Na   Mapalad   (Lukas   11:27-­‐28)   (maaaring   pumili   ng   ibang   pagbasa  
mula  sa  listahan  sa  hulihan  ng  dasalang  ito)
Samatalang  nagsasalita  si  Jesus,  may  isang  babaeng  sumigaw  mula  sa  karami-­‐
han   at   nagsabi   sa   kanya,   “Mapalad   ang   babaing   nagdala   sa   inyo   sa   kanyang  
sinapupunan,   at   nagpasuso   sa   inyo.”   Ngunit   sumagot   siya,   “Higit   na   mapalad  
ang  mga  nakikinig  sa  salita  ng  Diyos  at  tumutupad  nito!”
6.  SALMO  REPONSORIO  (maaring  laktawan  sa  pansariling  pagnonobena)
(Sa  maramihang  pagdarasal,  pumili  rin  ng  Salmo  at  angkop  na  kasagutan  batay  
sa  paksang  napili.)
15

2.7 Page 17

▲back to top
7.  PAGNINILAY  O  MAIKLING  SERMON  (maaring  laktawan  sa  pansariling  pagnonobena)
8.  AWIT  KAY  MARIA  (maaring  basahin  lamang  o  laktawan  sa  pansariling  pagnonobena)
                                               IKAW,  O  MARIA
Minamahal  kita,  O  Maria
Ikaw  ang  s’yang  ligaya  ng  buhay  ko.
Ika’y  aming  ina,  takbuhan  ka  ng  bayan  mo,
Kanlungan  at  pag-­‐asa’y  ikaw.
Sinisinta  kita,  aking  Reyna,
Maghari  kang  lubusan  sa  buhay  ko.
Nawa’y  pangarap  ko’y  maging  tapat  sa  puso  mo,
Tanglaw  ng  buhay  ko  ay  ikaw.
Pinupuri  kita,  pinagpala
Lipos  ka  ng  pag-­‐ibig  ng  Maykapal
Ngayon  dalangin  ko’y  dalhin  ako  sa  piling  mo.
Kasama  ni  Hesus  ay  ikaw.
9.  MGA  PANALANGIN  KAY  SANTA  MARIA  MAPAG-­‐AMPON
(lumuhod)  
A. S  a  Tuwing  Ika-­‐24  ng  Buwan
(Sa  maramihang  pagdiriwang,  pumili  lamang  ng  isa  sa  tatlong  panalanging  sumusunod.  Sa  pansaril-­‐
ing  pagnonobena,  dasalin  ang  lahat  ng  panalangin  sa  ibaba.)
Pari  at  Bayan:
O Mariang Mapag-ampon / anak na tunay ng Amang Kamahal-
mahalan,/ Ikaw ang itinalaga ng Diyos upang maging saklolo, at
tagapag-ampon sa mga Kristiyano / sa lahat ng kanilang pan-
gangailangan. / Dahil dito’y sa iyo lumalapit nang walang
humpay ang mga maysakit, / ang mga dukha sa kanilang kagipi-
tan,/ ang mga nagdadalamhati sa kanilang kapighatian, /ang
mga naglalayag sa karagatan, ang mga hukbo sa gitna ng dig-
maan, /ang mga naglalakbay sa kapanganiban,/ ang mga
16

2.8 Page 18

▲back to top
naghihingalo sa kinatatakutang sandali ng kamatayan, / at si-
lang lahat ay nagkakapalad magtamo sa iyo ng tulong, lakas at
kaginhawahan. / Kung gayon ay tanggapin mo, kung magiging
karapat-dapat ang aking mga pagmamakaawa, O Inang maha-
bagin / at sa aking pagsilong sa Iyong pagkukupkop / ay tulun-
gan mo ako tuwina at alalayan sa lahat ng panganib. / Iligtas
mo ako sa lahat ng masama, / at tuloy ipamagitan ako sa Pangi-
noon / upang makamtan ko ang biyayang kailangan / lalo na sa
aking pagpanaw dito sa lupa at sa kabilang buhay.
(Sa  pansariling  pagnonobena,  isunod  ang  Tatlong  Aba  Ginoong  Maria)
Santa  Maria  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kris6yano,  Ipanalangin  mo  kami.
O Birheng Kalinis-linisan / mairuging Ina ng mahal na
Mananakop, / at Tapag-ampon sa mga kristiyano, / dahil sa iyo
ay sumuko ang mga mapang-usig / at sa lahat ng kakila-kilabot
na pagsubok ay nagwagi kailanman ang Santa Iglesya. / Dahil
sa iyo / ang mga tao, / ang mga angkan, / ay nangatubos at
nangaligtas sa di mabilang na kapahamakan,/ pagkat ang mga
kaaway ay nagkahati-hati,/ lumayo ang mga sakit / at sampu
ng kamatayan / ay nagpapalugit kung tinatawagan ang iyong
saklolo./ Buhayin mong lalo at papagningasin ang aking pag-
asa sa iyo, O Maria, / upang sa lahat ng pangangailangan / ay
mapagkilalang tunay ngang ikaw / ang tumutulong sa mga tu-
matawag sa iyo, / ang nagtatanggol sa lahat ng pinag-uusig, /
ang nagbibigay ng lakas sa mga may sakit,/ aliw ng nalulum-
bay, / takbuhan ng mga makasalanan / at dahilan ng pananatili
ng mga banal.
(Sa  pansariling  pagnonobena,  isunod  ang  Tatlong  Aba  Ginoong  Maria)
Santa  Maria  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kris6yano,  Ipanalangin  mo  kami.
17

2.9 Page 19

▲back to top
O Mariang Mapag-ampon,/ maibiging Esposa ng Espiritu
Santo,/ Inang mahabagin at saklolo ng mga kristiyano, / na-
parito ako upang magmakaawa na ako’y tulungan mo./ Iligtas
ako sa kasalanan, / at sa lahat ng pakana ng mga kaaway ng ak-
ing kaluluwa at katawan,/ ilayo mo sa akin ang mga parusang
tatanggapin ko, / dahil sa mga sala kong nagawa / at mara-
patin mong tumimo sa puso / ang kabutihan ng iyong pagma-
mahal at ang iyong kapangyarihan. / O Makapangyarihan kong
Ina, / gaano ang pagnanasa kong masdan ang iyong man-
ingning na mukha / sa walang kahulilip na ligayang tinatamo
mo doon sa Paraiso. / Subalit isang sukab na pag-iisip ang
nagsasabi sa aking hindi ako nararapat, / dahil sa aking mga ka-
salanan,/ upang matamo ko ang iyong kaligayahan./ Huwag
mong ipahintulot ang ganoong kalaking kasawian, / katamis-
tamisan kong ina. / Ipanalangin mo ako,/ ihingi mo ako sa irog
mong anak na si Hesus / ng ganap na pagsisisi sa aking mga
sala,/ at ang biyaya na makagawa ng mabuting pangungumpi-
sal / at nang mabuhay ako sa katahimikan sa tanang buhay ko,
/ at sa huli’y pumanaw sa isang banal na kamatayan, / tuloy
makapisan mo at ng Diyos sa Langit / sa walang hanggang kali-
gayahan.
(Sa  pansariling  pagnonobena,  isunod  ang  Tatlong  Aba  Ginoong  Maria)
Santa  Maria  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kris6yano,  Ipanalangin  mo  kami.
B.  Sa  Isang  Pangangailangan  sa  Buhay
Pari  at  Bayan:  (lumuhod)
Inang mapagmahal / nangangailangan ako ng isang tanging bi-
yaya,/ at sa pag-asa ko sa iyong kabutihan, ay lumalapit ako sa
iyo, / aming saklolo at dakilang Mapag-ampon sa mga Kristy-
ano./ Buong kababaang-loob na ako’y nakaluhod sa iyong hara-
pan / at isinasamo ko nang taos sa aking puso / na iyong luna-
18

2.10 Page 20

▲back to top
san ang aking kailangan /(ipahayag nang tahimik ang biyayang ibig makam-
tan). Nababatid ko, mahal kong Ina / na ako’y hindi nararapat
bigyan ng anuman, at ang ikinatatakot ko’y / baka ang mga
sala ko’y siyang nakapipigil sa iyong kabutihan. / Subalit batid
kong magagawa mo rin,/ katamis-tamisang ina, / na ako’y han-
guin sa nakahahabag na kalagayang ito, / at gawing ako’y ma-
glingkod sa iyo nang tapat, at sa iyong bugtong na Anak,/
upang makamtan ang kahanga-hangang biyaya ng iyong pag-
aampon.
(   Sa  pansariling  pagnonobena,  isunod  ang  Tatlong  Aba  Ginoong  Maria)
S   anta  Maria  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kris6yano,  Ipanalangin  mo  kami.
 
C.  Panalangin  Para  sa  Santo  Papa
Panginoon naming Diyos, / niloob Mo na kami’y makapagbigay-
luwalhati sa Iyo / sa pamamagitan ng mga panalangin ng mga
Banal sa langit. / Inibig Mo ring ang aming mga karaingan dito
sa lupa / ay makarating sa Iyong pandinig / hatid ng aming mga
kapatid sa pananampalatayang ngayon ay nakikibahagi na sa Iy-
ong walang-hanggang kaligayahan sa langit./ Dinggin Mo nawa
ang aming pagsusumamo / para sa mga kapatid namin sa
pananampalatayang umaasa sa Iyong banal na pag-aampon./
Ipagtaguyod Mo ang Santo Papa na mahal na kinatawan ng
Anak mong si Jesus dito sa lupa. / Gabayan Mo ang Santa Igle-
syang ina namin / upang pakinggan at sundin ang kanyang mga
aral dito sa lupa./ Liwanagan Mo ang namamali at nadidilimang
mga isipan ng mga sumasalungat sa pangaral ng Santa Iglesia./
Ipag-adya Mo ang Iyong kawan sa mga maling pangaral ng mga
bulaang propeta at pag-isahin ang lahat ng tao sa ilalim ng Iy-
ong banal na aral at pamumuno. Ito’y aming buong pagtitiwa-
lang hinihiling, sa tulong ni Maria Mapag-ampon sa mga Kristiy-
ano at Ina ng Santa Iglesya. / Sa kanyang mapagmalasakit na
19

3 Pages 21-30

▲back to top

3.1 Page 21

▲back to top
pagkalinga ay manatili nawa kami sa wastong pagsamba at pag-
pupuri sa iyo ngayon at sa wakas ng panahon. Sa ngalan ni Kris-
tong aming Panginoon. Amen.
(Sa  pansarili  o  maramihang  pagdiriwang,  maaaring  ipalit  o  idagdag  ang  iba  pang  mga  Panalanging  
kalakip  ng  maikling  dasalang  ito.)
Pari:   [Mga   kapa.d,   ngayon   ay   gawin   na.ng   ganap   at   kaaya-­‐aya   sa   Diyos  
   ang  a.ng  mga  panalangin.    Siya  ang  bukal  ng  tanang  kagalingan  at  ka  
bu.han.     Tanging   Siya   ang   pinagmumulan   ng   lahat   ng   biyaya,   na   sa  
Kanyang   kabu.han   ay   niloob   Niyang   ipamahagi   sa   pamamagitan   ni  
Mariang   a.ng   Ina   at   Tagapagampon.     Kung   kaya’t   buong   pag-­‐ibig   at  
pag..wala   na.ng   dasalin   ang   panalanging   i.nuro   sa   a.n   ng   Pangi  
noong  Hesukristo]:  (maaring  laktawan  sa  pansariling  pagnonobena)
Bayan:        Ama  Namin…..
Pari:   (dasalin  sa  pansariling  pagnonobena)  
                   
O Diyos at Ama ng tanan, magiliw Mong dinggin ang mga kahil-
ingang aming Ipinaaabot sa pamamagitan ni Santa Maria
Mapag-ampon sa mga Kristiyano. Nawa’y buong kaluguran
Mong ipagkaloob sa amin ang Iyong banal na kalooban, sa ikali-
ligtas ng aming kaluluwa at sa ikapapanuto ng aming buhay
dito sa bayang lupang kahapis-hapis. Hinihiling namin ito sa
ngalan ni Hesukristong Anak Mo kasama ng Espiritu Santo, mag-
pasawalang hanggan. Amen
    (Dito  nagwawakas  ang  pansariling  pagnonobena,  sa    pamamagitan  ng  tanda  ng  krus.)
       
10.   BENDISYON   NI   SANTA   MARIA   MAPAG-­‐AMPON   (sa   maramihang   pagdarasal   kung  
    may  pari)
P. A  ng  tumutulong  sa  a.n  ay  ang  Panginoon
B.  Na  may  gawa  ng  langit  at  lupa
  Aba  Ginoong  Maria…..
20

3.2 Page 22

▲back to top
B.     Sa iyong tangkilik kami’y dumudulog, / O banal na Ina ng Di
yos, / huwag mo nawang siphayuin ang aming mga dalangin
sa aming pangangailangan, / bagkus iligtas mo kami sa lahat
ng panganib,/ O maluwalhati at pinagpalang Birhen.
P. O   Maria,  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kris.yano.
B.  Ipanalangin  mo  kami
P. O   Panginoon,  dinggin  Mo  ang  aming  panalangin.
B.  Sumapit  nawa  sa  Iyo  ang  aming  daing.
P. S  umainyo  ang  Panginoon.
B.  At  sumainyo  rin.
P. Manalangin  tayo.
  O Makapangyarihan at walang hanggang Diyos, inihanda Mo sa
pakikipagkaisa ng Espiritu Santo ang Katawan at Kaluluwa ni
Maria, maluwalhating Birhen at Ina, upang siya ay maging
karapat-dapat na tahanan ng Iyong Anak. Loobin Mo na sa kan-
yang panalangin, ay maligtas kami sa lahat ng kasamaan at sa
kamatayang walang hanggang, yayamang buong galak naming
pinararangalan siya. Alang-alang kay Kristong aming Pangnoon.
 
B.  Amen.
P. P  agpalain  kayo  ng  makapangyarihang  Diyos  +  Ama,  Anak  at  Espiritu  Santo.
B.  Amen.
     
(Wiwisikan  ng  banal  na  tubig  ang  mga  taong  nagkaka6pon)    
11.   PANGWAKAS  NA  AWIT:
(Habang  umaawit  maaring  halikan  ng  mga  tao  ang  medalya  ni  Santa  Maria  Mapag-­‐ampon)
21

3.3 Page 23

▲back to top
MGA  IMINUMUNGKAHING  PAKSA,  PAGBASA,  AT  SAGUTAN  SA  SALMO
       
(N.B.  Ang  bilang  ng  mga  salmo  ay  ayon  sa  MAGANDANG  BALITA  bibliya)
1.  Si  Maria  Ina  ng  mga  NagdadalamhaX
Pagbasa:   Mikas  4:  9-­‐10
Salmo:   Awit  6:  2-­‐3,  5,  9-­‐10
Sagot:   Tinutugon  Ako  ng  Diyos  sa  lahat  ng  aking  Panawagan.
2.  Si  Maria,  ang  Birheng  Ipinahayag  ng  mga  Propeta
Pagbasa:   Isaias  7:  10-­‐15
Salmo:   Judith  16:  2,  3,  4
Sagot:   Ikaw  ang  Karangalan  ng  Jerusalem
3.  Si  Maria,  ang  Birheng  Ipinaglihi  nang  Walang  Sala
Pagbasa:   Lukas  1:  26-­‐38
Salmo:   Awit  22:  23,  24,  28-­‐29
Sagot:   Purihin  ang  Panginoon  ng  lahat  ng  Kanyang  Lingkod.
4.  Si  Maria,  Birheng  Reyna  ng  Langit  at  Lupa
Pagbasa:   Lukas  1:  39-­‐50
Salmo:   Judith  15:  9b,  10
Sagot:   Bukod  kang  Pinagpala  sa  Babaeng  Lahat
 
5.  Si  Maria,  Huwaran  ng  Kababaang-­‐Loob
Pagbasa:   Lukas  14:  7-­‐11
Salmo:   Awit:  33:  2-­‐3,  4-­‐5.  6-­‐8
Sagot:   Nililingap  ng  Diyos  ang  Kababaan  ng  Kanyang  Alipin
6.  Si  Maria,  Birhen  at  Reynang  Iniakyat  sa  Kalangitan
Pagbasa:   Pahayag  11:  19  12:1-­‐6,  10
Salmo:   Awit  145:  10,  11,  12,  16
Sagot:   Duma.ng  na  ang  pagliligtas  ng  Diyos
7.  Si  Maria,  Reyna  ng  Santo  Rosaryo,  Huwaran  sa  Panalangin
Pagbasa:   Sirac  (Ecclesias.co)  36:  10-­‐18
Salmo:   Awit  27-­‐1,  4,  719
Sagot:   Purihin  at  Ipagdasal  ang  Diyos  Magpakailanman.
22

3.4 Page 24

▲back to top
   
8.  Si  Maria,  Ang  Bukang-­‐Liwayway  ng  Kaligtasan
Pagbasa:   Genesis  2:  15-­‐17,  3:  1-­‐6,  13-­‐5
Salmo:   Awit  117-­‐1,  2
Sagot:   Aawit  Ako  sa  Iyong  Papuri  Magpakailanman,  Pasasalamat  sa  Iyong
   
Dulot  na  Kaligtasan
 
9.  Si  Maria,  Ina  ng  Tagapagligtas
Pagbasa:   Mateo  2:  1-­‐15
Salmo:    Awit  127:  1,  2-­‐3,  4-­‐5
Sagot:   Mapalad  ang  taong  may  Takot  sa  Panginoon
10.   Si  Maria,  Inang  Mapag-­‐ampon  ng  mga  Binyagan
Pagbasa:   Juan  19:  23-­‐27
Salmo:   Awit  33:  2-­‐3,  4-­‐5,  18-­‐19
Sagot:   Magsiawit  sa  Panginoon  ng  Isang  Panibagong  Awi.n  Gumawa  Siya  ng  
mga  
   
Kahanga-­‐hangang  Bagay
11.   Si  Maria,  ang  Kalinis-­‐linisang  Ina  ng  Manunubos
Pagbasa:   Lukas  1:  26-­‐33
Salmo:   Judith  13:  18,  19,  20
Sagot:   Ikaw  ang  Pinakamataas  na  Karangalan  ng  Aming  Lahi
12.   Si  Maria,  Huwaran  ng  Pagsunod  sa  Kalooban  ng  Diyos
Pagbasa:   Lukas  1:  30-­‐39
Salmo:   Awit  40:  2,  4,  7-­‐8a,  8b-­‐9,  10
Sagot:   Narito  Ako  Panginoon  Upang  Sundin  ang  Iyong  Kalooban
13.   Si  Maria,  Huwaran  ng  Gawang  Papuri  sa  Diyos
Pagbasa:   Lukas  1:  46-­‐50
Salmo:   Awit  34:  1-­‐2,  3-­‐4,  5-­‐6
Sagot:   Ang  Puso  Ko’y  Nagpupuri  sa  Panginoon
14.   Si  Maria,  Huwaran  ng  TagapaghaXd  ng  Magandang  Balita
Pagbasa:   Lukas  1:  39-­‐45
Salmo:   Awit  96:  1-­‐2,  3-­‐4,  5-­‐6
Sagot:   Ipahayag  ang  Kanyang  Kahanga-­‐hangang  gawa  sa  Lahat  ng  mga  Balita
23

3.5 Page 25

▲back to top
15.   Ang  Katapatan  ni  Maria  sa  Diyos
Pagbasa:   Lukas  1:  46-­‐66
Salmo:   Awit  30:  1-­‐2,  4,  7
Sagot:   Ang  Puso  Ko’y  Nagpupuri  sa  Pangnoon
16.   Naging  Laging  Bukas  si  Maria  sa  Salita  ng  Diyos
Pagbasa:   Lukas  2:  8-­‐20
Salmo:   118:  1,  8-­‐9,  19-­‐21,  25-­‐17
Sagot:   Pinagpala  ang  Dumara.ng  sa  ngalan  ng  Panginoon
17.   Si  Maria,  Huwaran  ng  Katapatan  sa  Pang-­‐araw  araw  na  Tungkulin
Pagbasa:   Lukas  2:  41-­‐52
Salmo:   Awit  89:  2,  3-­‐4,  12-­‐13,  14-­‐15
Sagot:   Pagpalain  Mo  Panginoon  ang  gawa  ng  Aming  mga  kamay
  18:   Si  Maria  Ina  ng  Laging  Saklolo
    Pagbasa:   Juan  2:  1-­‐11
    Salmo:   Awit  25:  6-­‐7,  17-­‐18,  20-­‐21
    Sagot:   Ang  Nag..wala  sa  Panginoon  ay  Hindi  Mabibigo
  19:   Si  Maria,  Ina  ng  Santa  Iglesya
    Pagbasa:   Juan  19:  25-­‐27
    Salmo:   Awit  24:  1-­‐2,  3-­‐4.  5-­‐6
    Sagot:   Pagpapalain  ng  Diyos  ang  mga  tapat  sa  Kanya
  20.   Si  Maria,  Kaisa  ng  Iglesya  sa  Panalangin
    Pagbasa:   Gawa  1:  4,  9,  12-­‐14
    Salmo:   Awit  105:  2-­‐3,  4-­‐5,  6-­‐7
    Sagot:   Magagalak  ang  Puso  ng  mga  Dumudulog  sa  Panginoon
  21.   Si  Maria  at  ang  Unang  Magandang  Balita
    Pagbasa:   Genesis  3:  14-­‐15
    Salmo:   Awit  96:  1,  2-­‐3,4
    Sagot:   Awitan  ang  Panginoon,  Ngalan  Niya  ay  Purihin
  22.   Kabuklod  naXn  si  Maria  sa  Pagtalima  sa  Kalooban  ng  Diyos
    Pagbasa:   Lukas  8:  19-­‐21
    Salmo:   Awit  119:  29,  43,  79,  80
24

3.6 Page 26

▲back to top
    Sagot:   Ituro  mo  ang  batas  mo’t  Sisikapin  kong  Masunod
  23.   Si  Maria,  Daan  Tungo  sa  Ikapagkakasundo  ng  Diyos  at  Tao
    Pagbasa:   Juan  19:  23-­‐27
    Salmo:   Awit  51:  1-­‐2,  4-­‐5,  7-­‐9
    Sagot:   Ikaw  ang  Aking  Kaligtasan,  O  Panginoon
  24.   Si  Maria,  Mula  ng  Tuwa  NaXn-­‐
    Pagbasa:   Gawa  10:  34-­‐43
    Salmo:   Awit  22:  22-­‐23,  24-­‐25,  29-­‐30
    Sagot:   Magpuri  at  Magalak  sa  Panginoon  
25

3.7 Page 27

▲back to top
PANSARILING PAMIMINTUHO
Pansariling Pagnonobena
Panimulang  Panalangin  
sa  Araw-­‐araw
Sa  ngalan  ng  Ama,  at  ng  Anak,  at  ng  Espiritu  
Santo.  Amen.
O  Panginoon,  buksan  mo  nawa  ang  
aking  mga  labi  ...
At  pupurihin  ka  ng  aking  bibig.  O  
Diyos,  ipagkaloob  mo  sa  akin  ang  iy-­‐
ong  tulong  ...
O  Panginoon,  madali  ka  sa  pagsak-­‐
lolo  sa  akin.
Luwalhati  sa  Ama,  at  sa  Anak,  at  sa  
Espiritu  Santo  ...
Kapara  noong  unang-­‐una,  ngayon  
at  magpakailanman  at  mag-­‐
pasawalang  hanggan.  Amen.
Manalangin  tayo:
Alalahanin  mo,  O  lubhang  maluwalhating  Birheng  Maria,  na  kai-­‐
lanma’y  hindi  narinig  na  may  nagpa-­‐ampon  sa  iyo,  humingi  ng  tu-­‐
long  mo  at  dumaing  ng  iyong  saklolo  na  iyong  pinabayaan.  Dala  
ng  ganitong  pananalig,  lumalapit  din  ako  sa  iyo,  O  Birhen  ng  mga  
Birhen,  aking  Ina!  At  kahit  nagdadalamhati  dahil  sa  aking  kasala-­‐
nan  ay  nangahas  akong  lumapit  sa  dakila  mong  harapan,  O  Ina  
ng  Diyos,  huwag  mong  siphayuin,  kundi  kaawaan  mong  paking-­‐
gan  at  marapatin  mong  tugunin  ang  karaingan  ko.  Siya  nawa.
(Ang  mga  panalanging  pambungad  ay  dapat  dasalin  sa  loob  ng  siyam  na  araw.)
26

3.8 Page 28

▲back to top
UNANG  ARAW
O  Kamahal-­‐mahalang  Ina  naming  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kristiy-­‐
ano!  Kami’y  buong  pag-­‐asang  lumalapit  at  naninikluhod  sa  iyong  
awa.  Dinggin  mo  ang  mga  dalangin  ng  isang  makasalanang  nag-­‐
papatirapa  at  sumasamo  upang  pagkalooban  ng  tulong  at  lakas  
na  makaiwas  sa  pagkakasala  at  sa  lahat  ng  panganib  na  ikama-­‐
matay  ng  kaluluwa.
(tatlong  ulit)  Ama  Namin,  Aba  Ginoong  Maria,  Luwalhati  (minsan  lamang)  Aba  po  Santa  Mariang  Reyna
Pangwakas  na  Panalangin  Araw-­‐araw
Marapatin  mo  Birheng  Kamahal-­‐mahalan,  na  ika’y  aming  puri-­‐
hin  magpakailanman  ...  
Pagkalooban  kami  ng  lakas  laban  sa  aming  mga  kaaway.
O  Diyos  na  makapangyarihan  at  maawain,  na  upang  maipagtang-­‐
gol  Mo  ang  sambayanang  Kristiyano  ay  kahanga-­‐hanga  Mong  ni-­‐
lalang  ang  Mahal  na  Birheng  Maria  upang  magpakailanman  ay  
maging  tunay  naming  Tagapag-­‐ampon,  buong  awa  Mong  ipagka-­‐
loob  sa  amin  na  kung  nahihiyasan  na  kami  ng  ganitong  sandata  
ay  magamit  namin  ito  laban  sa  kamatayan  at  mga  lilong  kaaway  
ng  aming  kaluluwa,  alang-­‐alang  sa  aming  Panginoong  Jesucristo  
na  Iyong  Anak,  nabubuhay  at  naghaharing  kasama  Mo  at  ng  Es-­‐
piritu  Santo,  magpasawalang  hanggan.  Amen.
(tatlong  ulit)  Santa  Maria  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kristiyano,  ipanalangin  mo  kami.
IKALAWANG  ARAW
O  Mariang  kabanal-­‐banalan,  Ina  ng  Kagalingan  at  Awa,  sa  iyong  
tanging  pagkalinga  ay  naligtas  ang  sambayanang  Kristiyano  sa  
kuko  ng  mabangis  na  kaaway.  Iligtas  mo,  aking  isinasamo  sa  iyo,  
ang  aking  kaluluwa  sa  paglusob  ng  demonyo,  ng  mundo,  at  ng  
sariling  laman;  at  ipagkaloob  mo  sa  akin  sa  lahat  ng  panahon,  
ang  ganap  na  tagumpay  sa  lahat  ng  kaaway  ng  aking  kaluluwa.
(tatlong  ulit)  Ama  Namin,  Aba  Ginoong  Maria,  atbp.
IKATLONG  ARAW
Lubhang  makapangyarihang  Reyna  ng  Langit  ikaw  lamang  ang  
nangyaring  makapagtagumpay  laban  sa  mga  erehiyang  nagsi-­‐
27

3.9 Page 29

▲back to top
pagnasang  umagaw  sa  iyong  mga  anak  mula  sa  piling  ng  Inang  
Santa  Iglesya.  Saklolohan  mo  kami  upang  manatili  kaming  mata-­‐
tag  sa  pananampalataya  at  maingatan  ang  kalinisan  ng  puso  sa  
gitna  ng  mga  patibong  at  lason  ng  masasamang  aral  mula  sa  mga  
bulaang  propeta.
(tatlong  ulit)  Ama  Namin,  atbp.
IKA-­‐APAT  NA  ARAW
Katamis-­‐tamisan  naming  Ina,  na  dahil  sa  walang  hanggan  mong  
pagtatanggol  sa  mga  Kristiyano  ay  tinawag  kang  Reyna  ng  mga  
Martir,  ipagkaloob  sa  amin  ang  tibay  ng  puso  at  lakas  na  kailan-­‐
gan  upang  manatili  kami  sa  paglilingkod  sa  iyo:  bukod  sa  rito’y  
ipagkaloob  mo  rin  sa  amin  ang  biyaya  ng  pagmamahal  sa  aming  
mga  tungkuling  mahal,  tuloy  maging  marapat  kaming  tawaging  
iyong  anak  hanggang  sa  kamatayan.
(tatlong  ulit)  Ama  Namin,  atbp
IKALIMANG  ARAW
Minamahal  naming  Ina,  sa  pagtatagumpay  ni  Papa  Pio  Ikapito  ay  
iyong  ipinamalas  ang  kapangyarihan  ng  iyong  pagsaklolo.  Panga-­‐
lagaan  mo  kami  at  ang  buong  Santa  Iglesya  Katolika,  lalung  lalo  
na  ang  kanyang  katas-­‐taasang  pinuno,  ang  Santo  Papa;  ipagtang-­‐
gol  mo  siya  sa  lahat  ng  sandali  laban  sa  pang-­‐uusig  ng  mga  kaa-­‐
way,  iligtas  sa  mga  paghihirap,  alalaya  tuwina,  at  ingatan  upang  
mapahalaan  niya  ang  daong  ng  Santa  Iglesya  at  magwagi  sa  ma-­‐
rarahas  na  daluyong  ng  mga  nagnanasang  maglubog  sa  kanya.
Ama  Namin,  atbp.
IKAANIM  NA  ARAW
O  Birheng  Reyna  ng  mga  apostol,  kunin  mo  at  alagaan  sa  ilalim  
ng  iyong  pagkukupkop  ang  mga  pari  at  ang  lahat  ng  iyong  mga  
anak  na  bumubuo  ng  Santa  Iglesya  Katolika.  Pagkalooban  mo  
sila  ng  pagkakaisa,  ng  ganap  na  pagsunod  sa  Santo  Papa  at  ng  
masidhing  pagsisikap  tungo  sa  ikaliligtas  ng  mga  kaluluwa.  Isina-­‐
samo  rin  naming  na  iyong  ipadama  ang  iyong  pagkalinga  sa  mga  
misyonero  upang  kanilang  mapalaganap  ang  mga  aral  ng  ating  
Panginoon  sa  sansinukob  at  nang  ang  buong  daigdig  ay  
28

3.10 Page 30

▲back to top
magkabuklod-­‐buklod  sa  iisa  at  tunay  na  relihiyon  nang  sa  gayon  
ay  magkaroon  ng  iisang  kawan  lamang  sa  pamumuno  ng  iisang  
Pastol.
Ama  Namin,  atbp.
IKAPITONG  ARAW
O  Birheng  Ina  ng  kaamuan  at  awa,  sa  tulong  ng  iyong  pamamagi-­‐
tan  ay  libu-­‐  libong  mga  Kristiyano  ang  naliligtas  sa  mga  salot,  dig-­‐
maan,  at  iba-­‐ibang  mga  kapahamakan.  Halina’t  kami’y  iyong  sak-­‐
lolohan  at  iligtas  ngayon  sa  kawalan  ng  relihiyon  at  mga  hid-­‐
wang  gawa,  na  dahil  sa  mga  pahayagan,  mga  kapisanan,  at  paara-­‐
lang  walang  Diyos,  ay  marami  ang  nalalayo  sa  pananampalataya.  
Aming  Ina,  tulungan  mo  ang  mga  matuwid  upang  sila’y  manatili  
sa  pananampalataya,  palakasin  ang  mahihina,  akitin  sa  
pagbabalik-­‐loob  ang  mga  makasalanan  at  nangaliligaw,  at  sa  
huli,  kung  nagtagumpay  na  ang  katotohanan  dito  sa  lupa,  ay  la-­‐
long  tumatag  nawa  ang  Kaharian  ni  Jesucristo  at  maragdagan  
ang  Kanyang  kaluwalhatian  at  ang  bilang  ng  maaakyat  sa  ka-­‐
langitan.
Ama  Namin,  atbp.
IKAWALONG  ARAW
O  Ina,  haligi  ng  Santa  Iglesya  Katolika  at  Tagapag-­‐ampon  ng  mga  
Kristiyano,  aking  isinasamo  sa  iyo  na  papagkamtin  ako  ng  
pananatili  sa  pananampalataya  at  sa  kalayaan  bilang  anak  ng  Di-­‐
yos.  Sa  tulong  ng  grasya  at  sa  aking  makakaya,  ako  ay  nangangak-­‐
ong  hindi  ko  na  tutulutang  madungisan  ang  aking  kaluluwa  ng  
kasalanan.  Ang  ninanasa  ko,  aking  Ina,  ay  ang  pagsunod  sa  Santo  
Papa,  sa  mga  obispong  tumatalima  sa  kanya,  at  sa  buhay  at  ka-­‐
matayan  ay  huwag  akong  mawalay  sa  relihiyong  Katolika,  na  siya  
ko  lamang  inaasahang  maghahatid  ng  kaligtasan  sa  aking  kalu-­‐
luwa.
Ama  Namin,  atbp.
IKA-­‐SIYAM  NA  ARAW
Mahabagin  naming  Ina,  na  sa  lahat  ng  panahon  ay  inibig  mong  
maging  Tagapag-­‐ampon  ng  mga  Kristiyano,  saklolohan  mo  kami  
29

4 Pages 31-40

▲back to top

4.1 Page 31

▲back to top
sa  pamamagitan  ng  makapangyarihan  mong  pangangalaga  sa  
aming  tanang  buhay,  lalung-­‐lalo  na  sa  sandali  ng  aming  kamata-­‐
yan;  at  loobin  mo  na  pagkatapos  na  ika’y  aming  ibigin  at  purihin  
dito  sa  lupa  ay  maging  marapat  kaming  umawit  ng  iyong  kaluwal-­‐
hatian  sa  langit.
Ama  Namin,  atbp.
30

4.2 Page 32

▲back to top
TAL ADASAL AN
Sari-Saring mga Panalangin
Para  Humingi  ng  Isang  Biyaya:
Aba po Santa Mariang Reyna, Ina ng awa at tagapag-ampon ng
mga Kristiyano! Bilang isang maralitang anak ni Eba, kanino ko itutung-
hay ang aking mga mata dito sa bayang kahapis-hapos kundi sa Iyo
na siyang buhay, pag-asa, at kalinisan? Sa Iyo nga ako’y nagma-
makaawa. Iniaalay ko sa Iyong mga mahal na yapak ang aking mga
bunting-hininga. Kaya makapangyarihang Mapag-ampon, ipakilala mo
ang iyong pagtatanggol na gaya noong una; ilingon mo ang iyong mga
matang mahabagin sa akin na nagmamakaawa sa iyong tulong. O Ina
ko, ngayon, hingit kailanma’y kailangan ko ang iyong habag at banal
na saklolo.
Narito ako, titigan mo ako ng iyong maawaaing mga mata at ang
puso ko’y mapupuno ng kaligayahan. Ako’y makasalanang tunay, data-
puwa’t napakamaawaain mo. Ako’y masama, datapuwa’t ikaw ay sak-
dal ng kabutihan. Ako’y taksil, daptapuwa’t ikaw ay matamis na birhen.
Huwag mong isaalang-alang ang aking mga pagkakasala, bagkus ang
iyong pagiging mahabaging Ina. Ako’y nagpapakandong sa iyo, katu-
lad ng isang sanggol sa kanyang ina.
Sa  Sandali  ng  Mabigat  na  Suliranin:
Batid mo, O katamis-tamisang Mapag-ampon, ang sakunang sa
akin ay nagpapahirap. Sa laot ng ganitong kasawiang-palad ay iisa la-
mang ang aliw na sa akin ay natitira: ikaw, irog kong Ina. Ako’y iniibig
mo, at wala akong dapat na ipangamba kung ako’y aasa sa saklolong
ipagkakaloob ng aking dakilang Reyna. Datapuwa’t ang puso ko’y di
miminsang sinagian ng pag-aalinlangan, at ang mga mata ko’y
dinaluyan ng mapapait na luha. Ibig kong dalitain ang lahat nang
buong pagtitiis alang-alang sa iyo, na malabis na nagdusa sa paanan
ng krus dahil sa akin; datapuwa’t hindi ko yata ito lubos na magawa. O
31

4.3 Page 33

▲back to top
minamahal kong Ina, saklolohan mo ako sa sandaling ito ng kapaha-
makan!
Gayunpaman, ay hindi ko ibig na ang kalooban ko ang mangyari.
Nakikita mo ang lahat nang higit sa akin at sa iyo ako lubos na
umaasa. Pagkalooban mo ako ng biyaya ng banal na pag-ayon at
gawin ang bawa’t mong maibigan ayon sa iyong kalooban.
Inang Katamis-tamisan, inilalagak ko ang aking sarili sa iyong maha-
baging pag-aampon. Subali’t sa bawa’t pagkakataong sumasagi sa ak-
ing isipan ang katotohanang ikaw ay nagbibigay-saklolo sa ibang katu-
lad kong buong tiwalang lumalapit sa iyo, ang puso ko’y naguumapaw
sa pag-asa at nagtitiwalang ako man ay tatanggap ng iyong matamis
na pagkalinga. Sino ang makabibilang ng mga luhang iyong pinawi sa
araw na ito? O Inang Mapag-ampon, marapatin mong pawiin rin ang
aking mga luha! At nangangako ako, O Mahal na Ina, nagmahal at ma-
glingkod sa iyo nang higit pa, ngayon at sa lahat ng araw ng aking bu-
hay.
Panalangin  Para  sa  Isang  Maysakit
Hindi mabilang ang mga pagkakataon, O Dakilang Ina ng Diyos, na
ikaw ay naging makapangyarihang lakas ng mga may-sakit at magpa-
hanggang ngayon ay patuloy ang iyong pagliligtas sa buong daigdig.
Dakilang Tagapag-ingat ng biyaya sa kalangitan, dinggin mo ang am-
ing mga daing sa iyo para sa ikagagaling ng aming mahal na may-
sakit. Kung ito’y hindi makahahadlang sa ikaliligtas ng kanyang kalu-
luwa, ipakilala mo sa pagkakataong ito ang kadakilaan ng iyong ka-
pangyarihan at nang lalong yumabong sa aming mga puso ang dalisay
na pamimintuho sa iyo.
Hindi mabilang na mga binyagan, O Dakilang Ina ng Diyos, ang
naninikluhod at lumuluha sa harap ng iyong larawan sa mga sandaling
pinag-aagaw ang buhay. Ang kamataya’y nanasok sa pinto ng kani-
lang mga tahahan at nagbabantang ilayo sa kanilang piling ang isang
mahal sa buhay. Ang aming tahanan ay pinagbabantaan din ngayon,
kaibig-ibig na Ina. O Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ilayo mo
ang aming mga kapatid sa lahat ng panganib para mo nang awa, at ipi-
32

4.4 Page 34

▲back to top
nangangako namin sa iyo na ang mga araw na natitira sa aming bu-
hay ay aming gagamitin sa gawang kagalingan at paglilingkod sa iyo
bilang pasasalamat sa iyong dakilang pagkukupkop.
Hindi mabilang ang mga maysakit na iyong pinagaling, O Kapuri-
puring Ina ng Diyos, at maging ang mga nagsisiawit ng pasasalamat
sa harap ng iyong mapaghimalang larawan. Dahil sa mga luha ng ka-
galakang kanilang ibinuhos at mga panalanging puno ng taos-pusong
pagmamahal, dinggin mo kami, O Mapag-ampon sa mga Kristiyano! At
sa sandaling ang aming kapatid na maysakit ay gumaling sa kanyang
karamdaman, ang kanyang unang gagawin ay ang magsadya sa iyong
tahanan upang doon umawit ng pasasalamat kasama naming. Dinggin
mo, marangal na Ina, para mo nang awa, ang aming mga luha at pana-
langin at pangangailangan. Iligtas mo ang aming maysakit kung ito ay
hindi sagabal sa ikaliligtas ng kanyang kaluluwa.
O Kabanal-banalang Mapag-ampon sa mga Kristiyano, pakinggan
mo nang may buong pag-ayon ang tanang dumadalangin na taglay
ang tunay na pag-asa sa iyo.
Paghahandog  at  Pagtatalaga  
ng  mga  Anak  kay  
Santa  Maria  Mapag-­‐ampon
O Kamahal-mahalang Birhen, kanino pa, bukod sa Diyos, aking mai-
hahandog nang lubos ang aking mga anak, kundi sa iyo? Kung kaya’t
sa iyo, mahabagin at makapangyarihang Ina, Mapag-ampon sa mga
Kristiyano, aking ipinagkakatiwalang lahat ang aking mga anak at iniha-
habilin ang bawa’t isa sa iyong maalindog na pagkukupkop at pag-
aampon.
Ariin mo silang iyong tunay na mga anak at ipakilalang ikaw ang
kanilang Ina. Sa pamamagitan ng iyong makainang pangangalaga at
ng iyong makapangyarihang pamamagitan, ilayo mo sila sa lahat ng
kanilang ikapipinsala, lalo na sa sa kasalanan. Sa pamamagitan ng iy-
33

4.5 Page 35

▲back to top
ong mga kamay na mahabagin, O Puspos ng biyaya, pagkalooban mo
sila sa lahat ng panahon ng mga biyayang mula sa langit upang sila’y
manatili at sumulong sa kabanalan at kanilang igalang at purihin ang
kabanal-banalang Pangalan ng Diyos.
Tanig sa rito’y pagkalooban mo rin sila, O kalinis-linisang Ina, ng bi-
yaya ng isang wagas na kalinisan at masidhing pag-ibig para kay Je-
sus na iyong Anak. Amen.
Panalangin  ng  Pasasalamat
Mahal na Inang Mapag-ampon, ikaw ay pinipintuho ko at pinasasala-
matan nang taos sa aking puso dahil sa mga biyayang aking nakam-
tan. Inihahandog ko sa iyo ang aking kaluluwa at ang buo kong pagka-
tao, at ako’y nakikiisa sa mga pagdiriwang sa kalangitan bilang
pagbibigay-puri sa iyo ng mga kaluluwang iyong iniligtas.
Ikaw ay pinipintuho ko at pinasasalamatan nang taos sa aking puso
dahil sa mga biyayang tinatanggap ko mula sa iyo, O Mapag-ampon
sa mga Kristiyano. Inihahandog ko sa iyo ang buo kong katawan, ang
buo kong isip at alaala, at ako’y nakikiisa sa mga pagdiriwang ng mga
nagkapalad magtamo ng iyong biyaya.
Ikaw ay pinipintuho ko at pinasasalamatan nang taos sa aking puso
dahil sa mga biyayang tinanggap ko, O Matibay na Kutang-tanggulan
ng mga binyagan. Inihahandog ko sa iyo ang aking puso at buong
pag-ibig at ako’y nakikiisa sa mga nangagdiriwang bilang pagbibigay-
puri sa iyo ng lahat ng iyong kinaawaan hanggang sa katapusan ng
panahon. Isinasamo ko sa iyo, tangi sa rito, aking Ina, na pagkalooban
ako ng isa pang biyaya ng huling pananatili at kabanalan, at nang ak-
ing maawat balang araw ang iyong karangalan doon sa kalangitan.
Amen.
Panalangin  Para  sa  mga  Pari
34

4.6 Page 36

▲back to top
O Banal na Puso ni Jesus, walang hanggang Pari, kanlungan Mo,
kalingain at ipag-adya ang Iyong mga alagad na pari. Huwag hayaang
mabahiran ng dungis ang pinagpala nilang mga kamay na sa bawa’t
araw ay nagtatangan ng Iyong Banal na Katawan. Panatilihing dalisay
ang kanilang mga labi na sa araw-araw ay dinadaluyan ng masagana
Mong dugo. Ipinid Mo ang kanilang mga puso sa panghihimasok ng
anumang uri ng kamunduhan yayamang ang mga iyo’y natatatakan na
ng Iyong pagkapari at nakatalaga na sa Iyong Banal na Puso. Ang ba-
nal na pag-ibig Mo nawa ang siyang bumalot sa kanila nang sa gayo’y
hindi sila nasaling ng pang-aakit ng daigdig. Pagpalain tuwina ang kani-
lang mga adhikain at nawa’y ang mga taong kanilang pinaglilingkuran
ang siyang maging tuwa nila at kagalakan ngayon at sa buhay na wa-
lang hanggan. Amen.
Panalangin  Para  sa  mga  Magulang
O Makapangyarihang Diyos, ipinagkaloob Mo sa akin ang aking
Ama at Ina at ninais Mong sila ay magsilbing larawan ng Iyong ka-
pangyarihan at pag-ibig. Yayamang iniutos Mong sila ay aking ma-
halin, igalang at sundin, pagkalooban Mo ako ng biyayang matupad ko
nang buong katapatan ang kautusang ito. Tulungan akong tumalima
sa kanilang mga paalaala. Ilayo mo ako sa kapalaluan, katigasan ng
ulo, pagkamagalitin, pagkamasuwayin at katamaran. Gawin mo akong
mapunyagi sa aking mga tungkulin at matiisin sa harap ng pagsubok,
upang sa gayon ay marating ko ang kaligayahang inilaan Mo para sa
amin magpasawalang hanggan. Amen.
35

4.7 Page 37

▲back to top
IKATLONG KABANATA
PAGLULUKLOK
KAY MARIA MAPAG-AMPON
SA TAHANAN
PANALANGIN  NG  PAGTANGGAP  (babasahin  ng  ama  o  ina  kasama  ang  mga  anak  at  kasamba-­‐
hay)
Kabanal-­‐banalan  at  kalinis-­‐linisang  Birheng  Maria,  Mapag-­‐
ampon  sa  mga  Kristiyano,  ang  puso  namin  ngayon  ay  tigib  ng  
tuwa  at  kagalakan  sa  pagtanggap  namin  sa  iyo  sa  tahanan  
naming  ito.  Nais  sana  naming  magpamalas  ng  aming  pasasala-­‐
mat  sa  paraang  karapat-­‐dapat  pra  sa  Iyo.  
Dahil  dito  itinatalaga  namin  ang  aming  sarili  sa  banal  na  pa-­‐
glilingkod  sa  iyo.  Yayamang  tumanggap  ka  ng  di  mapantayang  
kagalakan  nang  ikaw  ay  napili  ng  Diyos  bilang  Tagapag-­‐ampon  
ng  mga  Kristiyano,  hinihiling  naming  pagkalooban  mo  kami  ng  
mga  biyayang  kinakailangan  upang  aming  mapagwagian  ang  
mga  kalaban  ng  aming  kaluluwa,  upang  sa  gayon  ay  matung-­‐
hayan  namin  balang  araw  ang  Diyos  sa  kalangitan.  
O  Kabanal-­‐banalang  Birhen,  pagpalain  mo  ang  tahanang  ito  
at  ang  aming  mag-­‐anak  na  buong  lugod  na  tumanggap  sa  iyo.  
Ipag-­‐adya  mo  kami  sa  anumang  karamdaman,  sa  kasalanan,  at  
sa  tanang  makasasama  sa  amin.  Maghari  nawa  ang  kapaya-­‐
paan  sa  tahanang  ito  -­‐  ang  banal  at  matamis  na  kapayapaang  
ipinapangaral  ng  iyong  Anak  na  si  Jesus.  Siya  nawa.  
36

4.8 Page 38

▲back to top
PAGBABASBAS  NG  LARAWAN  O  ESTATWA
N:  Ang  tumutulong  sa  atin  ay  ang  Panginoon.
L:  Na  may  gawa  ng  langit  at  lupa.
N:  Sumainyo  ang  Panginoon
L:  At  sumaiyo  rin.
MANALANGIN  TAYO
Makapangyarihan  at  walang  hanggang  Diyos,  pinahintu-­‐
lutan  Mo  kaming  lumilok  ng  mga  estatwa  at  gumuhit  ng  mga  
larawan  ng  Iyong  mga  banal  na  Santo  upang  ang  mga  ito’y  
magpaalaala  sa  amin  ng  kanilang  banal  na  pamumuhay  nang  
sa  gayon,  sila’y  aming  matularan.  Sa  Iyong  kabutihang-­‐loob  ay  
isinasamo  naming  pagpalain  Mo  at  pabanalin  ang  larawan/
estatwang  ito  ni  Santa  Maria  Mapag-­‐ampon.  Sa  kagandahan  
ng  kanyang  halimbawa,  nawa’y  mapalapit  kami  sa  iyong  Anak  
nang  sa  gayo’y  makamtan  namin  ang  biyayang  aming  kinakai-­‐
langan  sa  buhay  na  ito  at  sa  buhay  na  walang  hanggan.  Alang-­‐
alay  kay  Jesucristong  aming  Panginoon.  Amen.
(Habang  ang  larawan/estatwa  ay  iniluluklok,  darasalin  ang  isang  Aba  Po,  Santa  Mariang  Reyna!)
PAGTATALAGA  AT  PAG-­‐AALAY  NG  SARILI  KAY  MARIA,
MAPAG-­‐AMPON  SA  MGA  KRISTIYANO
(Ito  ay  babasahin  ng  isang  kasapi  ng  pamilya.    Higit  na  mainanm  kung  ang  ama  o  ina  ng  tahanan  ang  babasa)
O  kabanal-­‐banalan  at  Kalinis-­‐linisang  Birheng  Maria,  aming  
mahabaging  Ina  at  makapangyarihang  Tagasaklolo  ng  mga  
Kristiyano,  iniaalay  naming  ang  aming  buong  katauhan  sa  iy-­‐
37

4.9 Page 39

▲back to top
ong  kalugod-­‐lugod  na  pagmamahal  at  banal  na  paglilingkod.    
Inaalay  namin  sa  iyo  ang  aming  buong  diwa,  ang  aming  taos  
na  pagsinta,  ang  lahat  ng  aming  kamalayan  at  lakas,  at  nangan-­‐
gako  kaming  laging  magsisikap  sa  lalong  ikaluluwalhati  ng  Di-­‐
yos  at  ikaliligtas  ng  mga  kaluluwa.
Samantala,  O  maluwalhating  Birhen  na  siyang  laging  naging  
Tagapag-­‐ampon  ng  Sangkakristiyanuhan,  nawa’y  magpatuloy  
kang  laging  ganito,  lalung-­‐lalo  na  sa  mga  araw  na  ito.    Iyong  
pagpakumbabain  ang  mga  di-­‐kapanalig  sa  aming  banal  na  
pananampalataya  at  iyong  walaing-­‐halaga  ang  kanilang  mga  
salang  gawain  at  balak.    Iyong  bigyang  liwanag  at  lakas  ang  
mga  Obispo  at  pari  at  pamalagiin  mo  silang  masunurin  at  kaisa  
ng  Santo  Papa.    Pangalagaan  mo  ang  aming  mga  kabataang  
nalilihis  sa  maling  pananampalatay  at  mga  bisyo.    Itaguyod  mo  
ang  mga  banal  na  bokasyon  at  nang  madagdagan  ang  bilang  
ng  mga  banal  na  tagapangsiwa  upang  sa  kanilang  ka-­‐
paraanan,  ang  Kaharian  ni  Hesukristo  ay  manatili  sa  amin  at  
mapaabot  sa  lahat  ng  hangganan  ng  daigdig.
Ipinapanalangin  din  namin,  o  Katamis-­‐tamisan  Ina,  na  na-­‐
wa’y  lagi  mong  tanuran  ang  aming  mga  magulang  at  kamag-­‐
anakan,  ang  mga  kabataang  nakalantad  sa  maraming  pan-­‐
ganib,  ang  mga  kaawa-­‐awang  makasalananat  nangamamatay,  
ang  mga  kaluluwa  sa  purgatoryo,  ang  lahat  na,  O  Maria,  Inang  
Matamis  na  Pag-­‐asa,  Ina  ng  Awa  at  Pintuan  ng  Kalangitan.
Iniluluhog  din  namin  sa  iyo  ang  aming  sarili,  O  dakilang  Ina  
ng  Diyos.    Turuan  mo  kaming  matularan  ang  iyong  mga  katan-­‐
gian  lalo  na  ang  iyong  maka-­‐anghel  na  kalinisan,  ang  iyong  wa-­‐
gas  na  kababaang-­‐loob  at  marubdob  na  pagkakawanggawa,  
nang  sa  gayon  hangga’t  maaari,  sa  pamamagitan  ng  aming  ki-­‐
38

4.10 Page 40

▲back to top
los,  ng  aming  pananalita,  at  ng  aming  halimbawa  ay  masigla  
naming  katawanin  sa  mundo  si  Hesus  na  Iyong  Anak,  kilalanin  
ka’t  mahalin,  at  sa  pamamagitan  nito’y  makasagip  ng  maram-­‐
ing  kaluluwa.
Ipagkaloob  mo  rin  o  Maria,  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kristiy-­‐
ano  n  kaming  lahat  ay  matipon  sa  ilalim  ng  iyong  mapagmahal  
na  pagkalinga,  at  wala  sanang  isa  man  sa  amin  ang  tumalikod  
sa  iyo.    Ipagkaloob  mo  na  kung  kami’y  nasa  gitna  na  ng  mga  
tukso  ay  madali  at  buong  tiwala  ka  naming  tawagan.    Ipagka-­‐
loob  mo  na  ang  iyong  alaalang  napakabuti,  kaibig-­‐ibig  at  na-­‐
pakamahal,  ang  gunita  ng  iyong  marubdob  na  pag-­‐ibig  sa  mga  
nagmamahal  sa  iyo,  nawa’y  maging  aliw  namin  sa  pagtata-­‐
gumpay  sa  mga  kaaway  ng  aming  kaluluwa,  sa  buhay  at  ka-­‐
matayn,  upang  hubugin  namin  ang  iyong  korona  sa  kaligaya-­‐
han  sa  Paraiso.    Amen
(Tatapusin  ito  sa  sabayang  pagdarasal  ng  PAG-­‐AALAY  AT  PAGTATALAGA  NG  TAHANAN  KAY  SANTA  MARIA  
  MAPAG-­‐AMPON.  
(Maari  ding  ipagkaloob  ng  pari  ang  bendisyon  ni  Maria  Mapag-­‐ampon,  ayon  kay  San  Juan  Bosco)
PAGTATALAGA  AT  PAG-­‐AALAY  NG  TAHANAN  KAY  
STA.  MARIA  MAPAG-­‐AMPON
O  Kalinis-­‐linisang  Birheng  Maria,  niloob  ng  Diyos  na  ikaw  ay  
maging  Tagapag-­‐ampon  ng  mga  Kris:yano.    Ngayon  ay  i:nata-­‐
laga  at  inuukol  namin  ang  aming  tahanan  at  mag-­‐anak  sa  iyong  
Kalinis-­‐linisang  Puso.    Pangalagaan  mo,  Inang  kaibig-­‐ibig  ang  am-­‐
ing  abang  pamamahay.  Pabanalin  mo  ang  aming  pamilyang  sa  
iyo’y  nagmamahal.  Ilayo  mo  kami  sa  anumang  kapahamakan;  
ang  bawa’t  nakapipinsalang  sunog,  baha,  kidlat  at  lindol,  sampu  
39

5 Pages 41-50

▲back to top

5.1 Page 41

▲back to top
ng  mga  magnanakaw  at  masasamang-­‐loob.    Pagpalain  at  patnu-­‐
bayan  mo  kami  sa  lahat  ng  sandali.    Pagindapa:n  mo  na  ang  la-­‐
hat  ng  miyembro  ng  aming  mag-­‐anak,  narito  man  o  wala,  ay  ma-­‐
ligtas  sa  lahat  ng  kasamaang-­‐palad.    At  higit  sa  lahat,  ipag-­‐adya  
mo  kami  sa  lahat  ng  tukso  at  kasalanan.    Ikaw  sana  ay  maging  
Reyna  na  aming  pamamahay,  na  magmula  ngayon  ay  iyung-­‐iyo,  
magpasawalang-­‐hanggan.  Amen.
PALAGIANG  PAGNONOBENA  TUWING  MIERCOLES
Maaring  isunod  ang  mga  panalanging  ito  sa  Panalangin  pagkatapos  ng  Komunyon,  bago  ng  huling  pagba-­‐
basbas.  Tuwing  Miercoles,  and  isa  sa  tatlong  sumusunod  na  panalangin  ay  maaaring  pagpalit-­‐palitin:
Unang  Panalangin:  (Nakatayo)
           O  Mariang  Mapag-­‐ampon  /  anak  na  tunay  ng  Amang  
Kamahal-­‐mahalan,/  Ikaw  ang  itinalaga  ng  Diyos  upang  maging  
saklolo,  at  tagapag-­‐ampon  sa  mga  Kristiyano  /  sa  lahat      ng  
kanilang  pangangailangan.  /  Dahil  dito’y  sa  iyo  lumalapit  nang  
walang  humpay  ang  mga  maysakit,  /  ang  mga  dukha  sa  kani-­‐
lang  kagipitan,/  ang  mga  nagdadalamhati  sa  kanilang  kapigha-­‐
tian,  /ang  mga  naglalayag  sa  karagatan,  ang  mga  hukbo  sa  
gitna  ng  digmaan,  /ang  mga  naglalakbay  sa  kapanganiban,/  
ang  mga  naghihingalo  sa  kinatatakutang  sandali  ng  kamata-­‐
yan,  /  at  silang  lahat  ay  nagkakapalad  magtamo  sa  iyo  ng  tu-­‐
long,  lakas  at  kaginhawahan.  /  Kung  gayon  ay  tanggapin  mo,  
kung  magiging  karapat-­‐dapat  ang  aking  mga  pagmamakaawa,  
O  Inang  mahabagin  /  at  sa  aking  pagsilong  sa  Iyong  pagkukup-­‐
40

5.2 Page 42

▲back to top
kop  /  ay  tulungan  mo  ako  tuwina  at  alalayan  sa  lahat  ng  pan-­‐
ganib.  /  Iligtas  mo  ako  sa  lahat  ng  masama,  /  at  tuloy  ipamagi-­‐
tan  ako  sa  Panginoon  /  upang  makamtan  ko  ang  biyayang  kai-­‐
langan  /  lalo  na  sa  aking  pagpanaw  dito  sa  lupa  at  sa  kabilang  
buhay.      (o  kaya  ang  sumusunod  na  dalawa  pang  panalangin)
Ikalawang  Panalangin:  (nakatayo)
         O  Birheng  Kalinis-­‐linisan  /  mairuging  Ina  ng  mahal  na  
Mananakop,  /  at  Tapag-­‐ampon  sa  mga  kristiyano,  /  dahil  sa  iyo  
ay  sumuko  ang  mga  mapang-­‐usig  /  at  sa  lahat  ng  kakila-­‐kilabot  
na  pagsubok  ay  nagwagi  kailanman  ang  Santa  Iglesya.  /  Dahil  
sa  iyo  /  ang  mga  tao,  /  ang  mga  angkan,  /  ay  nangatubos  at  
nangaligtas    sa  di  mabilang  na  kapahamakan,/  pagkat  ang  mga  
kaaway  ay  nagkahati-­‐hati,/  lumayo  ang  mga  sakit  /  at  sampu  
ng  kamatayan  /  ay  nagpapalugit  kung  tinatawagan  ang  iyong  
saklolo./  Buhayin  mong  lalo  at  papagningasin  ang  aking  pag-­‐
asa  sa  iyo,  O  Maria,  /  upang  sa  lahat  ng  pangangailangan  /  ay  
mapagkilalang  tunay  ngang  ikaw  /  ang  tumutulong  sa  mga  tu-­‐
matawag  sa  iyo,  /  ang  nagtatanggol  sa  lahat  ng  pinag-­‐uusig,  /  
ang  nagbibigay  ng  lakas  sa  mga  may  sakit,/  aliw  ng  nalulum-­‐
bay,  /  takbuhan  ng  mga  makasalanan  /  at  dahilan  ng  pananatili  
ng  mga  banal.
Ikatlong  Panalangin:  (nakatayo)
           O  Mariang  Mapag-­‐ampon,/  maibiging    Esposa  ng  Espiritu  
Santo,/  Inang  mahabagin    at  saklolo  ng    mga  kristiyano,  /  na-­‐
41

5.3 Page 43

▲back to top
parito  ako  upang  magmakaawa  na  ako’y  tulungan  mo./  Iligtas  
ako  sa  kasalanan,  /  at  sa  lahat  ng  pakana  ng  mga  kaaway  ng  ak-­‐
ing  kaluluwa  at  katawan,/  ilayo  mo  sa  akin  ang  mga  parusang  
tatanggapin  ko,  /  dahil  sa  mga  sala  kong  nagawa  /  at  mara-­‐
patin  mong  tumimo  sa  puso  /  ang  kabutihan  ng  iyong  pagma-­‐
mahal  at  ang    iyong  kapangyarihan.  /  O  Makapangyarihan  
kong  Ina,  /  gaano  ang  pagnanasa  kong  masdan  ang  iyong  man-­‐
ingning  na  mukha  /  sa  walang  kahulilip  na  ligayang  tinatamo  
mo  doon  sa  Paraiso.  /  Subalit  isang  sukab  na  pag-­‐iisip  ang  
nagsasabi  sa  aking  hindi  ako  nararapat,  /  dahil  sa  aking  mga  ka-­‐
salanan,/  upang  matamo  ko  ang  iyong  kaligayahan./  Huwag  
mong  ipahintulot  ang  ganoong  kalaking  kasawian,  /  katamis-­‐
tamisan  kong  ina.  /    Ipanalangin  mo  ako,/  ihingi  mo  ako  sa  irog  
mong  anak  na  si  Hesus  /  ng  ganap  na  pagsisisi  sa  aking  mga  
sala,/  at  ang  biyaya  na  makagawa  ng  mabuting  pangungumpi-­‐
sal    /  at  nang  mabuhay  ako  sa  katahimikan  sa  tanang  buhay  
ko,  /  at  sa  huli’y  pumanaw  sa  isang  banal  na  kamatayan,  /  tuloy  
makapisan  mo  at  ng  Diyos  sa  Langit  /  sa  walang  hanggang  kali-­‐
gayahan.
Para  sa  Isang  Pangangailangan  sa  Buhay  
Pari  at  Bayan:  (lumuhod)
           Inang  mapagmahal  /  nangangailangan  ako  ng  isang  tang-­‐
ing  biyaya,/  at  sa  pag-­‐asa  ko  sa  iyong  kabutihan,  ay  lumalapit  
ako  sa  iyo,  /  aming  saklolo  at  dakilang  Mapag-­‐ampon  sa  mga  
42

5.4 Page 44

▲back to top
Kristyano./  Buong  kababaang-­‐loob  na  ako’y  nakaluhod  sa  iy-­‐
ong  harapan  /  at  isinasamo  ko  nang  taos  sa  aking  puso  /  na  iy-­‐
ong  lunasan  ang  aking  kailangan  /(ipahayag  nang  tahimik  ang  biyayang  
ibig  makamtan).  Nababatid  ko,  mahal  kong  Ina  /  na  ako’y  hindi  
nararapat  bigyan  ng  anuman,  at  ang  ikinatatakot  ko’y  /  baka  
ang  mga  sala  ko’y  siyang  nakapipigil  sa  iyong  kabutihan.  /  Sub-­‐
alit  batid  kong  magagawa  mo  rin,/  katamis-­‐tamisang  ina,  /  na  
ako’y  hanguin  sa  nakahahabag  na  kalagayang  ito,  /  at  gawing  
ako’y  maglingkod  sa  iyo  nang  tapat,  at  sa  iyong  bugtong  na  
Anak,/  upang  makamtan  ang  kahanga-­‐hangang  biyaya  ng  iy-­‐
ong  pag-­‐aampon.
Pangwakas  na  Panalangin:
Pari:  O  Diyos  at  Ama  ng  tanan,  magiliw  Mong  dinggin  ang  
mga  kahilingang  aming  ipinaaabot  sa  pamamagitan  ni  Santa  
Mariang  Mapag-­‐ampon  sa  mga  Kristiyano.  Nawa’y  buong  kalu-­‐
guran  Mong  ipagkaloob  sa  amin  ang  Iyong  biyaya  kung  ito  ay  
naaayon  sa  Iyong  banal  na  kalooban,  sa  ikaliligtas  ng  aming  
kaluluwa,  at  sa  ikapapanuto  ng  aming  buhay  dito  sa  lupang  
bayang  kahapis-­‐hapis.  Hinihiling  namin  ito  sa  ngalan  ni  Hesu-­‐
kristong  Anak  Mo,  nabubuhay  at  naghaharing  kasama  Mo  at  
ng  Espiritu  Santo,  magpasawalang  hanggan.  Amen.
(Maaring  igawad  dito  ang  pangwakas  na  pagbabasbas  at  pagtatapos  ng  Misa)
43

5.5 Page 45

▲back to top
MAHALAGANG PAHATID
SA TAGA-BASA
Taos-puso ang aming pasasalamat sa inyong lahat na may pitak
sa puso para sa Mahal na Birheng Maria Mapag-ampon sa mga Kristiy-
ano. Tulad nang nasabi natin sa mga unang pahina, may paralelismo
o pagtutulad ang mga hinarap na paghamon ni Don Bosco noong kan-
yang panahon sa ating hinaharap ngayon, lalu na sa pagkakawatak ng
pamilya dahil sa pangingibang-bayan, at dahil na rin sa pagyurak sa
kabanalan ng buhay at sa mga pwersang umuukilkil sa Sakramento ng
Kasal, at sa kaisahan o kabuuan ng pamilyang Pilipino.
Ang mga panalanging ito ay mula sa aklat-dasalang inilimbag sa
ikatlong pagkakataon noong taong 1990, na tumanggap na ng IMPRI-
MATUR noong Agosto 4, 1985. Ang unang pagkalimbag ay mula sa Pa-
rokya ni Santa Maria Mapag-ampon sa Mayapa, Calamba City, La-
guna, kung saan ako namulat sa aking pagka-pari at natutong magma-
hal sa Santa Iglesya.
Pangarap namin na sana’y maging batayan at kadluan ito ng pa-
mimintuho ng lahat ng mga simbahan, kapilya, at parokya sa buong
Pilipinas na napapailalim sa pamamatnubay ni Maria Mapag-ampon.
Manatili nawang talang maliwanag ang Mahal na Birhen sa ating
buhay-pananampalataya, lalo ngayon at hinihingi ng Simbahan na
tayo ay magising at gumawa ng paraan upang ang bagong ebanghe-
lisasyon ay mangyari sa lahat ng dako ng daigdig.
Pagpalain nawa tayo tuwina ng Diyos, sa tulong at pamamagitan
ng ating Inang makalangit, ating saklolo, ating takbuhan, ating lakas at
kagalingan. Maria Mapag-ampon sa mga Kristiyano, ipanalangin
mo kami!
Inyong Kalakbay at Katoto,
Fr. Vitaliano Chito Dimaranan, SDB
PAMBANSANG DAMBANA NI SANTA MARIA MAPAG-AMPON
MHC Circle, Barangay Don Bosco
Paranaque City, 1711 Metro Manila Philippines
xliv

5.6 Page 46

▲back to top
DIOCESAN SHRINE OF MARY HELP OF CHRISTIANS
Don Bosco Seminary
Canlubang, Calamba City, Laguna
Every 24th of the month:
5:30 PM - Mass
Sunday Masses:
8:30 AM
10:30 AM
5:30 PM
Confessions available on Sundays or upon request
SHRINE OF MARY HELP OF CHRISTIANS
Don Bosco Technological Institute Compound
Taurama Road, East Boroko
Port Moresby, PNG
Sunday Masses:
7:30 AM and 9:00 AM
NATIONAL SHRINE OF MARY HELP OF CHRISTIANS
Barangay Don Bosco, BLS, PARANAQUE CITY
Daily Masses (Mon-Saturday)
6:00 AM (Confessions available daily)
7:00 AM
6:30 PM (Confessions also available daily)
Saturday Vigil Mass - 6:30 PM in English
SUNDAYS:
6:00 AM - Tagalog
7:30 AM - English
9:00 AM - Tagalog
10:30 AM - English
11:30 AM - Baptisms
12:00 PM - Tagalog
3:30 PM - Tagalog
5:00 PM - English
6:30 PM - English
8:00 PM - English

5.7 Page 47

▲back to top
Chapels,  Parish  Churches  &  Quasi-­‐Parish  Churches  Under  the  Patronage  of  
Mary  Help  of  ChrisXans  in  the  Philippines
1.   Mary  Help  of  Chris.ans  Parish  Church  
  Basista,  Pangasinan
2.   Mary  Help  of  Chris.ans  Parish  
  Mayapa,  Calamba  City  4027  
  Laguna  
3.   Mary  Help  of  Chris.ans  Parish
  B   uhisan,  6000  Cebu  City
4.   Mary  Help  of  Chris.ans  Parish
  S   an  Enrique  5036  Iloilo,  Philippines
5.   Our  Lady  Help  of  Chris.ans
  Talogtog,  2710  Ilocos  Sur
6.   Mary  Help  of  Chris.ans  Quasi-­‐Parish
  B   arangay  Aranda,  Hinigaran,  6106  
  Negros  Occidental
7.   Mary  Help  of  Chris.ans  Parish
  B   oac,  Marinduque
8.   Mary  Help  of  Chris.ans  Parish      
  J.P.  Rizal  Street,  Maypajo,  1410  
  Kalookan  City
9.   Mary  Help  of  Chris.ans  Parish
  Malasin,  San  Jose  City,  Nueva  Ecija
10.  MARY  HELP  OF  CHRISTIANS  PARISH
  Mocpoc  Sur,  Sandingan  Is.,  
  Loon,  6327  Bohol
xlvi

5.8 Page 48

▲back to top
11.  Cathedral  of  Maria  Auxiliadora  
   9700  Marawi  City
12.  Mary  Help  of  Chris.ans  Chapel
  Block  42,  Southville  1
  Niugan,  Cabuyao  City,  Laguna
13.  Vicariate  of  Mary  Help  of  Chris.ans
  San  Joaquin,  Santa  Ana  2022,  Pampanga
14.  Mary  Help  of  Chris.ans  Parish
  Barangay  Dacudao,  Calinan,  Davao  City
SEMINARIES
  MARY  HELP  OF  CHRISTIANS  HIGH  SCHOOL  SEMINARY  
  Binmaley  2417  Pangasinan            
 
  MARY  HELP  OF  CHRISTIANS  COLLEGE  SEMINARY  
  Bonuan,  Gueset  
  Dagupan  City  2400  Pangasinan
xlvii